36- Birthday Gift

1K 45 6
                                    


Ashley




Pagkatapos namin mag swimming ay nagsipuntahan kami sa mga room namin para maligo. Malapit na kami mag dinner tapos may mini program silang sinet para sa akin.







Kwinento ko nadin kila Yen yung meron sa amin ni Tan. Nagulat sila nang inamin ko sakanila na M.U na kami ni Tan, hindi daw hindi daw sila makapaniwala na pumayag daw ako dahil alam nila na mahirap ako magkagusto sa isang lalake. Sinabihan ko din sila na wag pagsabi kahit kanino maging sa pamilya ko dahil hindi pa nila alam.





"Eh paano na si Mich? May Tan kana pala" sabi ni Yen habang nagpapatuyo ng buhok. Umupo ako sa kama at tinignan siya. "Oo nga paano na si Mich? Diba nanliligaw din sayo yun?" dagdag ni Shami 






"Nanliligaw?" tanong ko, tumango silang lahat "Hindi siya nanliligaw girls. And besides, mag bestfriends lang kami kaya no worries" nag shrug ako tapos kinuha ang phone ko "Bakit ba palagi nasasama si Mich sa usapan natin pagdating sa lovelife ko?"







"Malamang, alam ng lahat na may gusto sayo si Mich. Manhid ka lang." sabi ni Sheena, napatingin naman ako sakanya "What?" napailing si Angela tapos kinalabit ako para sakanya ako tumingin "What she means is, Mich likes you. Halata sa mga kilos niya sayo, kala din ng iba na nanliligaw siya sayo. And kalove team mo siya kaya palagi siya nasasama pagdating sa lovelife mo" sabi niya






Napatahimik ako. May gusto sa akin si Mich? Bakit hindi ko alam.. kaya ba siya sweet sa akin? Pero... mag bestfriends kami... at alam niyang gusto ko si Tan... Ano gagawin ko? Wala naman akong gusto sakanya, pero ayaw ko siyang masaktan






"Wag mo nang isipin yan, birthday mo ngayon" sabi ni Angela tapos tinapik tapik balikat ko "tara na! Nandoon na sa may beach sina Lance!" aya niya tapos tumayo na







Tumayo nadin ako at lumabas na ng kwarto. Nakasalubong pa namin sina Batit at Tan. Naka beach design na polo silang dalawa at white shorts. Ang cute nilang tignan.

Tan and Lallaina Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon