Ashley
"Thank you for coming here" sabi ni sir Ric, tumango lang ako. Pinaghila ako ng upuan ni Mich tapos umupo sa tabi ko. "Akala ko hindi kayo magpapakita sa akin dahil sa nangyare kahapon" tumawa pa si sir Ric at kinamot ang batok niya.
"Please make it faster. May shoot pa kami ni Ashley" seryosong sabi ni Mich "If you're gonna tell us again that we need to act or lie.. Hindi kami papayag. And wag mong idadamay ang mahal namin sa buhay" banta niya, tinignan ko si Mich, hindi ko makita ang mata niya kasi naka shades siya.
Tumango si sir Ric at ininom ang kape niya. Nandito kami sa Figaro, tinext niya kasi kami kaninang umaga na makipagkita sakanya dito. Kaya dito kami dumiretso bago sa shooting place namin. Hindi naman siguro magagalit ang mga boss namin dahil may meeting kami ngayon.
"I want to make a deal" sabi ni sir Ric. Napataas ako ng kilay "Hahayaan ko kayo sa gusto niyo" tumingin siya sa amin dalawa "But you won't tell the people that you guys were already taken" napakagat ako sa labi ko. "You will act that you guys were so sweet. And you can still date your girl or guy. Pero kailangan walang makaalam. Hahayaan namin kayo basta magtago kayo"
"Sorry sir.. Pero mahirap po ang pinapagawa niyo" sagot ko sakanya. "I already done that before.. And you knew.. Pero you didn't let me.." napailing si sir "I mean it this time" napahinga ako ng malalim at uminom ng coffee "I'm sorry.. Pero hindi po ako papayag sa gusto niyo.. I don't want pretend anymore.. Sawa na kami magpanggap ni Mich.. Ayaw na namin lokohin ang mga fans namin.. At ang sarili namin"
"Nakasulat sa contract niyo na kailangan niyo sundin ang utos namin. Pinag-usapan narin natin to. Anong mahirap doon? We're helping you guys, ayaw namin masira kayo!"
"Walang nakasulat sa contract na pati ang personal lives namin ay kailangan pakialaman. You're not helping us sir Ric, you were the one who is breaking us" napanganga ako sa sinabi ni Mich. Napasandal sa upuan si sir Ric at sumeryoso lalo ang expression niya. Napasuklay sa buhok si Mich "So dahil diyan sa mga syota niyo susuway kayo sa akin? Ayan ba ang gusto niyo?" tanong niya, inis na ang boses niya.
"Gusto lang po namin na wag na magpanggap.. Ayun lang. At hayaan niyo kami mahalin ang gusto namin.. Ito lang ang hinihingi namin sir.." Umiling si sir Ric at tumayo. Kinuha niya ang coffee niya at iniwan kami ni Mich dito sa Figaro.