9- Subic

825 41 12
                                    



                                                             Ashley



"We shouldn't joined that dinner" sabi ni Mich habang naglalakad kami sa hallway ng building. Its been two days since we had that dinner with Karina and Tan. Ngayon lang inopen up ni Mich. Ayaw ko lang maalala yung dinner na iyon, it hurts kasi.





"Nag enjoy naman tayo" sabi ko tapos nilagay sa bulsa ang mga kamay ko. Natawa ng peke si Mich, "Enjoy? No. It's like a date! For them, parang sabit lang tayo. That whole time were together, silang dalawa ang nagpapansinan. Nakakainis." he's right, sa buong oras na magkasama kaming apat ay parang silang dalawa lang ang nandoon sa restaurant. Usap sila ng usap ni Tan. 





"Sinasadya ba nila ito?" tanong ni Mich "Ganyan ba kabitter si Tan sayo kaya pinagmumuka niya ikaw na ewan? Na wala ka lang?" inis niyang sabi. Umiling ako. "Hindi. I deserved it though.."






"No! Hindi mo deserve. You have a reason why you did that!" ginulo niya ang buhok niya tapos pinagbuksan ako ng pinto "Kapag napuno ako kay Tan. Makakatikim siya sa akin. I didn't like his treatment to you" seryoso niyang sabi. Hindi ako sumagot at pumasok sa room. Sumunod siya sa akin at umupo sa tabi ko.





"Goodmorning! Salamat dahil ang aga niyong lahat dumating! Pupunta tayo ngayon sa Subic. We will shoot some scene there. Are you ready to go? Para maaga din tayo makauwi" tumingin siya sa amin lahat. 7am calltime. Buti nalang maaga ako nagising. Excited na ako pumunta sa subic. Isa iyon sa pinupuntahan namin magbabarkada kapag summer. Magaganda ang mga beach doon.






May mga naka assign na van para sa amin. Kasama ko sa van sila Mich, Karina, Tan and his team. Tyaka si direk. Kung swineswerte ka nga naman.. Kinuha ko sa van ko ang neck pillow at kumot ko so I can take sleep while we're on our way to subic. Tahimik ang lahat sa van, maaga palang kasi kaya wala pang energy. Sa may bintana ako nakapwesto, katabi ko si Karina na nakikinig lang sa music dito sa van.





Hindi ko matignan si Tan kasi nasa likod siya nakaupo. Katabi niya si Mich na tahimik din. Sumilip ako at tinignan si Mich na nakapikit ang mga mata. Dahan-dahan akong tumingin kay Tan na nakatingin lang sa may bintana. I smilesd a little, umupo na ako ng maayos at nilagay ang neck pillow at sumandal sa may bintana at pinagmasdan ang mga kotseng dumadaan at ang view. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Tan and Lallaina Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon