20- Give in

1.9K 63 47
                                    



Enjoy this chapter! ❤️





                                                              Ashley




"And cut that was amazing!" sigaw ni direk. Nagpalakpakan ang lahat nang nandito. Umahon na kami nila Mich sa dagat. Nilapitan ako agad nila ate jackie at inabutan ako ng towel. "Tomorrow na natin ituloy ang scene!" direk said.






Tumango ako at tumingin kay Tan. Nakabalik na siya pagkatapos ng kissing scene ko kay Mich. Dalawang beses namin kinuhanan ang scene na iyon. Gusto ko siyang lapitan, pero ramdam kong galit siya sa akin ngayon. Hindi niya ako pinapansin ngayon kahit nasa harapan niya ako.





"Tonight is a special night for us! We're invited by the owner of the hotel in their party! Doon tayo kakain ng dinner. Let's have some fun!" pinunasan ko ang buhok ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni direk, "Kaya ko kayo pinagdala ng dress and coats, formal daw kasi yun so kailangan maayos ang suotin natin. Magkita-kita tayo sa lobby ng mga 7pm? Ayos ba?" tumango kaming lahat. Ngumiti siya at pumalakpak ng dalawang beses, "Great mag-ayos na kayo!"






Binalot ko ang sarili ko sa towel na bigay sa akin ni ate jackie. Nilalamig ako. Tumingin ako kay Tan, nadatnan ko pang kausap niya si Karina. Sabay silang naglakad paalis dito sa beach. Napakagat ako sa labi ko. Tumabi sa akin si Mich at sinundan ang tingin ko "Alam mo pre, feeling ko kanina malulusaw ako sa mga titig  ni Tan" sabi niya sabay bigay sa akin ng isang towel "Kung nakakamatay lang ang titig, siguro patay na ako ngayon" tumawa siya tapos tinapik ang balikat ko bago siya maglakad na 





"Oo nga, ang sama ng tingin sakanya ni Tan kanina" singit ni ate jackie. Naglakad na kami pareho. "Ayos na ba kayo? Parang nagseselos si Tan eh" umiling ako at huminga ng malalim, "Nag-away kami kanina ate" napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay, "Ano naman pinag-awayan niyo?"





"About sa suot ko. Pinipilit niya ako magpalit ng damit. He doesn't like my swimsuit" ngumisi si ate jackie, inirapan ko lang siya "Kahit kailan talaga, possessive sayo yun" natawa pa siya. Hindi nalang ako nagsalita pa at nagpatuloy sa paglalakad.





Tan and Lallaina Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon