Enjoy
---------------------------------------
Ashley
"Cut! 10 minutes break then shoot na ulit!" pag-announce ni direk tapos bumalik na sa ginagawa niya.
Napahinga ako ng malalim at agad na pumasok sa tent. Umupo ako sa folding bed at kinuha ang phone para mabasa kung may nag-text.
Three days na ako nandito sa isabela, and gusto ko nalang matapos tong shoot ko dito kasi gusto ko na umuwi sa manila. Namimiss ko na ang family ko, maging ang friends ko.. and si Tan.
Tatlong araw... tatlong-araw ko na hindi gaanong kinakausap si Tan pagkatapos nang pag-uusap namin nung gabi na nakilala siya ng magulang ko. Hindi ko siya nilalayuan, hindi ko lang alam ang gagawin ko dahil tuwing kinakausap ko si Tan ay pumapasok sa isipan ko ang mga iniwan salita sa akin ni mommy.
Bago ako umalis papunta sa isabela ay hindi ako kinakausap ni mommy. Masama ang loob niya sa akin, at sobrang sakit dahil hindi man lang siya nag paalam sa akin. Isang linggo ako wala sa bahay at para bang wala lang kay mommy.
"Ashley, okay ka lang?" tanong ni Mich, lumapit siya sa akin tapos umupo sa tabi ko. Dito din kasi ang tent niya.
Tumango ako at ngumiti sakanya, pero hindi siya naniwala sa sagot ko. Pinitik niya ang ilong ko tapos sumimangot "Aray ha!" hinampas ko ang braso niya kasi ang sakit ng pitik niya