Tan
F*ck!
Padabog kong sinara ang pintuan namin at dumiretso sa kusina para magsalin ng alak sa baso. Sumunod sa akin ang mga kaibigan ko, hindi ko sila pinansin at ininom ang alak na nasa baso.
Sh*t, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Wala akong alam sa mga pangyayare kagabi, ni hindi ko alam na hinalikan ko si Criza. Alam kong hindi siya invited! Nakakainis, galit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko. Niloko ko si Lallaina.
Alam kong may mali.. kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko iyon magagawa kay Lallaina dahil mahal na mahal ko siya! Nakatali na ako sakanya, isang utos niya ay susundin ko agad. Nang sinabihan niya ako na wag uminom ay sinunod ko iyon! Softdrinks lang ang ininom ko at isang vodka dahil na dare ako! Yun lang, pero bakit ako nalasing kagabi!? Wala din ako maalala sa mga nangyare kagabi, maging ang barkada ko ay walang maalala.
Something's wrong..
Parang pinagplanuhan ito.. Yeah, maybe someone planned about this..
Who send the pictures to Lallaina? and who took the photos and videos?
"F*ck.." binato ko ang baso kaya nabasag ito nang tumama ito sa pader. Napatalon sila Batit sa ginawa ko at tumingin sa akin. Pinikit ko ang mga mata at pilit padin inaalala ang mga pangyayari. I am not guilty of anything, pero nang makita ko ang itsura ni Lallaina umiiyak at galit sa akin ay nawasak ang puso ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil dito, pinaiyak ko siya, sinaktan ko siya kahit wala akong alam sa nangyare