Ashley
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang binigyan ako ni Tan ng ice cream at isang napakacute na minion. Para akong bata na binilhan ng laruan. Agad kong kinabit ang minion sa may bag ko, hindi naman siya malaki. Maliit ito, keychain kumbaga.
Pagbalik ko sa mga kasama namin ay tumuloy na kami. Walang nagtanong kung saan ako nanggaling. Sumilip ako kay Tan na malapit lang sa akin, katabi niya si Karina. Napatingin ako sa hawak ni Karina, may hawak din siyang mga stuff toys at nakita ko na may minions din siya. Did Tan also gave Karina a minion? Nahuli ako ni Tan na nakatingin, kumunot ang noo niya tapos bumaba ang tingin niya sa akin. He bit his lips then looks away. Umiwas na rin ako ng tingin at sumunod na kila direk
Buong second day namin ay wala kaming ibang ginawa kundi mamasyal lang at mag shoot ng scene dito sa Universal Studios. Nang mag gagabi na ay umalis na kami dito at pumunta sa ibang tourist sites dito sa Singapore. Pagkatapos namin mag dinner ay pumunta kami sa Merlion Park. Pinagmasdan lang namin ang sky and took some pictures and videos. Hindi narin ako pinansin ni Tan, busy kasi siya sa ginagawa niya at palagi niyang kausap si Karina.
Bakit ba sila nalang palagi magkasama? Nakakainis, hindi ako makalapit kay Tan dahil nandoon si Karina. Naalis ang tingin ko sakanilang dalawa nang may naramdaman ko na may tumabi sa akin. Pagkatingin ko ay si Mich pala. He smiled at me tapos tumingin sa may lion na fountain dito sa Merlion Park.
"I saw you two" sabi niya, kumunot ang noo ko. Tumawa siya, "You and Tan, kaninang nasa Universal Studio tayo. I didn't know that you guys are already talking.. Well kung kayong dalawa lang" napatango ako. Napansin ko rin, palagi kaming nag-uusap ni Tan na kaming dalawa lang. "Okay na ba kayo?" Tanong niya
Nag shrug ako, "Hindi ko alam.." okay na nga ba kami? Kailangan ko malaman. Hinawakan ni Mich yung minion na bigay sa akin ni Tan, "This is cute. Did you bought it?" napangiti ako at umiling pinagmasdan ko ang minion at kinuha ito kay Mich "Bigay lang.." nakangiti kong sagot.
"Guys balik na tayo sa hotel! Late na oh!" Sabi sa amin ni direk. Sumunod kami sakanya at sumakay na ng van para makabalik na kami sa hotel
Pagbalik namin sa hotel ay naghiwalay-hiwalay na kami, pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Inaantok na rin kasi ako tyaka maaga pa ako gigising bukas. Super excited na ako para bukas, makakasama ko si Tan at makakapag-usap ulit kami.