Tears 2: The Present

1.6K 61 1
                                    

15 Years of Tears Chapter 2

---

Jolly's POV

Nandito ako ngayon sa opisina ko dahil napakaraming pinapasang mga gawin para sa buwan na 'to.

Pag-aari ko ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon at isa akong Editor-in-chief sa sariling publishing company ko. Iba-ibang klase ng papel ang pino-produce ng kompanya gaya ng newspapers, mga famous works and novels galing sa iba't ibang writing site and writing apps na makikita online.

Kapag sumisikat ang isang storya o kapag na-discover namin ito, pi-na-publish kaagad namin ito para maging isang ganap na libro.

Ginagawa rin naming sikat ang isang writer kapag nakitaan naming ng potential ito o kapag naman kumita sa mga tao angt sulat nito.

Maaari siyang pumirma ng kontrata at maging regular writer sa kompanya.

Simula nang manalo kami sa lotto, ginamit namin ang pera para makapagpatuloy at makahabol ako sa pag- aaral. Nang makatapos ako ng pag-aaral ko, sumugal kaagad ako sa negosyo at nagpundar ng sarili kong publishing company gamit ang perang napanalunan namin ni nanay ilang taon na ang nakalipas.

Napanghawakan ko naman ang pangako ko kay nanay noon na bibilhan ko siya ng isang mansion na mas malaki pa sa pamamahay ng mga Severo.

Wala sa isip ko ang pagkakaroon ng ganitong klaseng negosyo noon. Hindi naman ako mahilig magbasa at magsulat noon, siguro ay kahit papaano, nakuha ko ang inspirasyon na ito kay Vander kaya naisipan kong mag-pundar ng sariling publishing house.

Kahit na ilang taon pa ang nakalipas, walang araw na hindi siya sumagi sa isip ko. Umaasa akong makita siya at ang pamilya niya para makapaghiganti ako dahil sa ginawa nila sa nanay ko.

Pero nagpapasalamat pa rin akong nakaalis na siya sa mansion na iyon.

Kung hindi siya natanggal sa trabaho, baka hindi kami nagkaroon ng pagkakataong tumaya sa lotto at manalo ng napakalaking halaga ng pera.

Nang pinacheck-up namin si nanay ay hindi na raw ito makakalakad kahit kailan.

Masyado na daw kasing malala ang kondisyon niya.

Sinisisi ko lahat ng ito sa pamilya ni Vander, lalung-lalo na sa nanay niya.

Ilang segundo makalipas nang marinig ko ang pagtunog ng telepono ko.

Kaagad kong kinuha iyon mula sa bag ko para malaman kung sino ang tumatawag.

"Hello, 'nay?" pagsagot ko sa linya nang malamang nanay ko pala ang tumawag sa akin.

"Nasaan ka, 'nak?" ito ang naging bungad niya sa akin.

"Nasa office pa ako, 'nay, may mga inaayos pa po ako rito. Bakit po?" tanong ko sa kanya.

Ilang saglit pa ang lumipas bago niya ako sagutin. "wala naman, natanong ko lang 'nak." sagot niya ulit.

"Gano'-- wait lang ho, 'nay," saad ko dahil naririnig kong may kumakatok sa pinto ng opisina ko.

Bumungad sa akin si nanay nang tuluyan kong buksan ang pinto.

Kaya pala siya nagtatanong kung nasaan ako.

"Nanay!" masaya kong bati dahil nakita ko siya.

Kasalukuyan siyang nakasakay sa wheelchair niya at ang kasambahay namin ang nagdala sa kanya rito.

Sinalubong niya ako ng yakap bago kami tuluyang pumasok sa opisina.

Halos isang linggo rin kaming hindi nagkita ni nanay.

15 Years of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon