15 Years of Tears Chapter 14
---
Vander's POV
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang matapon sa mukha at uniporme ko ang hot chocolate.
Napapikit ako nang maramdam ko ang init no'n sa mukha ko pero alam kong hindi naman ito gano'n kainit para masunog ang balat ko.
Pagdilat ko ay nasa akin na ang atensyon ng mga tao at imbes kay Jolly, nasa akin na nakatapat ang camera ng karamihan.
Mabilis akong tumalikod kaya bumungad din sa akin ang nabibiglang mukha ni Jolly.
Hindi ko na inintindi kung ano man ang hitsura ko. Mabilis kong binuhat ulit lahat ng binili namin, pinuwersa ko ang sarili kong hawakan lahat ng pinamili gamit ang isang kamay para makapitan ko si Jolly palabas ng mall.
Hindi kami gaanong nahirapan sa paglabas dahil may mga guard na lumapit para pigilan at harangin ang mga tao sa paghabol sa amin.
Mabilis kaming naglakad habang walang imik si Jolly na tila ba nabibigla pa rin sa mga nangyayari.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at wala akong narinig na salita mula sa kanya hanggang sa tuluyan kong isara ang pinto.
Inilagay ko ang mga pinamili namin sa compartment ng sasakyan bago sumakay sa driver's seat.
Habang kinakabit ko ang seatbelt ko ay tinignan ko ang kalagayan ni Jolly gamit ang rear view mirror. Nakatulala ito at parang pinoproseso pa rin sa utak niya ang mga nangyari.
Kinuha ko ang bimpo sa bulsa ng pantalong suot ko at marahang pinunasan ang mukha ko at pinunasan din ang uniporme kong mukhang mamamantsahan pa dahil sa nangyari.
"S-sandali lang ho 'to, ma'am," sabi ko kay Jolly dahil hanggang ngayon ay hindi pa umaandar ang sasakyan at hindi pa ako nagmamaneho.
"Babalik ako sa opisina, umuwi ka sa bahay para magpalit," walang emosyong utos nito nang umandar na ang sasakyan at tuluyan na kaming nakaalis sa mall.
Tinignan ko ang hitsura niya gamit muli ang rear view. Kasalukuyang magkakrus ang mga braso niya at nakatingin sa labas ng bintana.
"Pero, ma'am–"
"Vander, umuwi ka ng bahay para magpalit. Huling ulit ko na 'yan. Isang salita pa ay tatanggalin na kita." Tumahimik ako at hindi na nakipagtalo pa sa kanya.
Ayaw ko siyang iwan sa opisina pero ayaw ko rin namang matanggal sa trabaho.
Sinusulyapan ko siya nang mabilisan palagi sa tuwng nakakadaan kami sa stoplight para tignan kung ano ang ginagawa niya pero lagi ko lang siyang natitiyempuhan na nakatingin sa cellphone niya at mukhang may binabasa mula ro'n.
Jolly's POV
Inis na inis ako dahil wala akong ibang masisi sa nangyari kundi ang sarili ko lang. Halata namang hindi sinasadya ng kung sino mang tao ang nangyari dahil sadyang nagkatulakan lang at hindi inaasahang matapunan ng hot chocolate ang sekretarya ko.
Kinuha ko sa bag ko ang cellphone at kaagad na tinignan kung ano ang nangyayari sa social media.
Hindi nga ako nagkamali dahil nai-post na sa social media ang video ni Vander na aksidenteng natatapunan ng hot chocolate.
Nasa video rin ako at halata ang gulat sa ekspresyon ko nang humarap sa akin si Vander.
Hindi ako makaisip ng ibang solusyon kung paano i-te-take down ang naturang video sa social media.
Umani ng ibang reaksyon ang video. Una ay ang galit na mga tao dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao sa mall at dahil na rin sa aksidenteng nangyari. Panglawa ay ang mga humahanga kay Vander dahil sa dedikasyon nito sa trabaho. Kahit ang ibang mga taong hinahangaan ako ay humanga sa kanya dahil na rin sa paraan niya kung paano niya i-handle ang maraming taong lumalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
15 Years of Tears
Romance"You're my once in a lifetime." Vander Severo and Jolly Lumbay used to be playmates back when they were younger. Vander came from a rich family while Jolly's mom is one of the Severo's maids in their mansion. They struggled in their everyday life wh...