15 Years of Tears Chapter 16
---
Vander's POV
Sobrang lakas ng ulan ngayong hapon kaya napakalamig ng panahon.
Kasalukuyan akong nakahiga at naisipang tumayo para buksan ang laptop at para makapagbasa ng mga komento sa ginagawa kong nobela.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang lahat ng nababasa ko ay puro positibo galing sa mga mambabasa.
'Gawa ka pa ng ibang kuwento after nito, angganda talaga!'
Napaisip ako nang mabasa iyon. Wala na kasi akong balak magsulat pa ng ibang nobela kapag natapos ko na 'tong kuwento namin ni Jolly.
Sa tingin ko ay wala naman nang dapat ilahad at wala nang nobelang mas gaganda pa sa kuwentong si Jolly ang bida.
Kahit nasa loob ako ay rinig na rinig ko ang buhos ng ulan.
Matapos makapagbasa ng komento at makapag-reply sa iba ay itinago kong muli ang laptop.
Mahihiga pa lamang ako nang bigla akong makarinig ng katok mula sa pinto.
Jolly's POV
"Hello, nasaan kayo?" tanong ko kay Leanne nang sumagot siya sa tawag ko.
"Nandito sa bahay ni Lawrence. Tuloy ba?"
"Malamang, kailan ba ako umatras sa mga plano?" iritang sabi ko habang isinusuot sa paa ko ang heels.
"Sigurado ka ba? Napakalakas ng ulan."
"Tuloy, Leanne."
"Pero–"
"Bakit ba parang takot na takot ka? Hindi mo naman itutuluyan. Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" pagtatanong ko rito habang kinokontrol ang inis na namumuo sa sarili ko.
Binabaan ko siya at pabatong inihagis ang cellphone ko sa kama.
Napakalakas ng ulan ngayon na para bang kayang patumbahin ng hangin ang malalaking puno sa labas.
Nang maihanda na ang sarili ko ay lumabas ako para humanap ng isang kasambahay na puwedeng utusan para puntahan si Vander sa kuwarto niya.
Naupo muna ako sa sofa hanggang sa makakita ng isang kasambahay na puwedeng pakisuyuan.
"Pakisabi naman kay V na may biglaang lakad kami ngayon." Kaagad niya akong sinunod at pumunta sa kuwarto ni Vander para abisuhan ito.
Hindi inabot ng isang oras ang paghihintay ko nang tuluyan kong makita si Vander palabas ng kuwarto niya at kumakaripas ng takbong lumapit sa akin.
"Pasensya na ho kung medyo matagal, ma'am. Hindi ko po kasi ala–"
"Ayos lang, ihanda mo na ang sasakyan para makaalis na tayo." Tumayo ako at tuluyan na siyang nilagpasan.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin hanggang sa mauna siyang maglakad para ihanda ang sasakyang gagamitin namin sa pag-alis.
Kinuha niya ang payong na nasa sasakyan at ginamit iyon para hindi ako mabasa pagpasok ko sa sasakyan.
Inalalayan niya pa akong maglakad dahil madulas ang daan at heels pa ang suot ko. Maingat niya akong inihatid pasakay ng sasakyan bago siya pumasok at pinaandar ito.
–
"Sigurado ka bang tatawiring natin 'yan, ma'am? Baka mabasa ka," pagsasalita ni Vander habang kasaukuyang nakatingin sa labasan.
Nas tapat kami ng opisina dahil wala nang arking slot nang makarating kami.
"Oo. Kahit ako na lang–"
BINABASA MO ANG
15 Years of Tears
Romance"You're my once in a lifetime." Vander Severo and Jolly Lumbay used to be playmates back when they were younger. Vander came from a rich family while Jolly's mom is one of the Severo's maids in their mansion. They struggled in their everyday life wh...