15 Years of Tears Epilogue
---
Jolly's POV
Palapit nang palapit ang kaarawan ko pero binabad ko ang sarili ko sa pagtatrabaho para lang hindi mamalayang mabilis ang oras.
Parang dati lang ay halos hintayin ko ang kaarawan ko pero ngayon ay parang ayaw ko nang sumapit ito.
"Happy birthday, anak!" Ito ang sumalubong sa akin pagmulat ko ng mga mata ko.
Kaagad akong bumangon para yakapin si nanay na unang bumati sa akin.
"Happy birthday, miss Jolly!" si nanay Delia naman ang nagsalita mayamaya
Napatakip pa ako ng bibig para humikab bago ako sumagot kay nanay Delia. "Salamat po!"
Nagulat ako nang biglang hawakan ni nanay ang magkabilang pisngi ko at hinarap ako sa kanya.
"Anlaki-laki na ng anak ko! Kiss nga!" Aangal pa sana ako dahil wala pa akong sepilyo nang bigla niya akong halikan sunod-sunod sa pisngi at sa labi ko.
Napapatawa ako habang ginagawa sa akin iyon ni nanay.
"Anong gusto mong kainin?" Nang magtigil siya sa paghalik sa akin ay naglambing naman.
"Kahit ano, 'nay, basta kayo ang nagluto," natatawang saad ko.
"Nakapaghanda ka na ba?" Makahulugang saad ni nanay Delia mayamaya kaya kaagad akong napaisip.
Naalala kong ngayon nga rin pala ang book launch ni Vander.
"Handa ho ako lagi."
Hindi na nila ako kinulit masiyado at hindi na rin inungkat nang malala ang tungkol sa book release ni Vander.
Nagpaalam sila dahil may mga bagay pa raw silang ihahanda sa labas. Pagkaalis nila ay kaagad akong bumangon at naligo para makalabas at masabayan sila nanay sa hapag.
Sakto lang din dahil pasado alas siete ako natapos mag-ayos at tuluyang nakalabas sa kuwarto.
Paglabas ko pa lang ay binabati ako ng bawat taong nakakasalubong k sa loob ng bahay. Pagdating naman sa kusina ay halos mapuno ang lamesa sa sobrang dami nilang hinanda. Halo-halong putahe at pagkain ang nasa harap ko kaya hindi ko alam anong uunahin kong tikman at kainin.
Sabay-sabay kaming kumain at pare-parehas ding nabusog. Sandali pa akong nakipag-usap sa kanila bago muling pumasok sa kuwarto ko para ikondisyon ang sarili ko.
–
"Ma'am, ito na po ang damit niyo." Kumatok ang isang maid at iniabot sa akin ang isang damit na naka-hanger.
Kinuha ko ito mula sa kanya at kaagad na nagpasalamat bago isarang muli ang pinto ng kuwarto ko.
Tinignan ko ang kabuuan ng dress na nakasabit sa hanger habang napapabuntong hininga at napapailing.
Isa itong red drawstring backless silk dress. Hindi naman ako makaangal dahil si nanay mismo ang pumili nito at kung ano ang pinili niya, iyon ang susuotin ko.
Inilapag ko muna ito sa kama bago muling tumingin sa salamin para ituloy ang pag-aayos sa sarili ko.
Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng concealer sa ibabang bahagi ng mata ko para matakpan ang namumuong eyebags dahil ilang araw na akong hindi makakuha ng maayos na tulog.
Tinignan ko ulitang sarili ko sa salamin nang magawa na ang full makeup.
Angganda mo na naman.
Napatawa ak sa sariling isipin bago ko inilugay ang buhok ko at pinalntsa ito nang mabuti para maging straight bago lagyan ng hairspray.
Muli kong tinignan ang silk dress bago ito tu;luyang isuot. Medyo nahirapan lamang ako dahil sa mga tali sa likod, halos inabot ako g sampung minuto dahil lang sa pagsuot ng damit na 'to pero nang makita ko ito sa salamin ay kaagad ding napangiti dahil sakto ito sa akin at komportable naman pala suotin.
BINABASA MO ANG
15 Years of Tears
Romance"You're my once in a lifetime." Vander Severo and Jolly Lumbay used to be playmates back when they were younger. Vander came from a rich family while Jolly's mom is one of the Severo's maids in their mansion. They struggled in their everyday life wh...