15 Years of Tears Chapter 17
---
Jolly's POV
Noong araw na umalis si Vander ay wala akong nagawa kundi ang tignan lang siya mula sa malayo kung saan hindi niya ako makikita.
Sobra ang hiya ko sa kanya dahil sa plano na hindi naman natuloy pero sa huli, naging mas malala ang kinalagyan niya.
Sila nanay Delia ang nag-ayos at tumulong sa kanya sa pag-alis. Wala siyang tinirang ibang gamit dito kundi ang laptop, cellphone, at tablet na binigay ko sa kanya sa unang araw niya sa trabaho.
Alam kong masama pa rin ang loob niya sa mga naisip kong gawin sa kanya.
Mas mabuti na rin ito para parehas na kaming may sama ng loob sa isa't isa.
Sa unang linggo na wala si Vander ay iyon ang iniisip ko at pilit na nililibang ang sarili ko.
Pero halos isang buwan na ang nakalipas ay muli akong napapaisip.
Parehas ba kaming may galit sa isa't isa? O baka siya na lang?
Sa pagkakataong ito ay parang siya na lang naman ang may sama ng loob. Hindi na rin ako sigurado kung masama ba talaga ang loob ko sa kanya dati o pilit na pinapaniwala ko lang ang sarili ko na masamang tao siya.
Napatingin ako sa kalendaryo para tignan kung anong petsa ngayong araw.
May 15.
Napagtanto kong ngayon pala ang kaarawan ni Vander. Nabanggit ito sa akin ni sister Elvy iyon sa pamamagitan ng tawag. Nabanggit din niyang sa orphanage nagdidiwang ng kaarawan si Vander kasama ang mga bata.
Nilahad ko rin ang buong kuwento kay sister kung ano ang nangyari at kung ano ang naging dahilan ng pag-alis ni Vander kaya siguro niya sinabi kung kailan ang birthday ni V ay para tulungan akong makipag-ayos dito.
Ngayong araw ay pumunta ako sa opisina kasama ang bago kong sekretarya. May isang nagmaneho rin para sa amin at dati na siyang trabahador sa mansion.
Naging mabilis ang biyahe at kaagaran akong lumabas papuntang opisina para mapirmahan at matignan ang ibang mga papeles.
Ang lahat ay nakatutok sa trabaho pero kapansin-pansing parang mga bagong iyak sila.
Imposible namang umiiyak sila dahil kay V?
Noong mga nakaraang linggo ko pa sinabi ang tungkol sa pag-alis ni Vander. Sanay kasi silang si Vander ang kasama ko sa tuwing papasok ako sa opisina. Nalungkot pa sila nang malamang hindi na nagtatrabaho sa akin si Vander.
Hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan dahil mukhang nahihiya at ayaw din nilang magtanong.
Pinuntahan ko si Alexis sa table niya. Kasalukuyan pa itong may hawak na tissue at nagpupunas ng luha.
"A-anong nangyayari? May hindi ba ako alam?" litong tanong ko kay Alexis.
"Hindi kasi happy ending ang binasa namin, ma'am. Yung 'Finding My Love'. Antagal pa niya bago makapag-update, tragic ending naman pala ang bubungad sa akin," nagmamaktol na kuwento nito at pinunasan ang gilid ng mga mata kung saan may namumuong luha.
"Paanong hindi happy ending? 'Di ba nakita na niya yung babae? Si Jamie?" Kahit sa bahay ay bukambibig ni nanay ang nobela kaya kahit hindi ko binabasa ay kilala ko ang character at ang overview ng kuwento.
"Nahanap niya, ma'am. Naging trabahador pa nga ni Jamie si Vann. Akala ko okay na sa gano'n, hindi pa rin pala nagkatuluyan." Bakas ang panghihinayang sa boses ni Alexis at mukhang may hinanakit pa rin dahil sa nobelang nabasa.
BINABASA MO ANG
15 Years of Tears
Romance"You're my once in a lifetime." Vander Severo and Jolly Lumbay used to be playmates back when they were younger. Vander came from a rich family while Jolly's mom is one of the Severo's maids in their mansion. They struggled in their everyday life wh...