Tears 19: Heavy Rains and Ripped Pages

953 46 2
                                    

15 Years of Tears Chapter 19

---

Jolly's POV

Kahit pa hindi nag-reply si Vander sa email at kahit pa lalong lumala ang pagbabangayan namin kahapon ay pumunta ako sa lugar kung saan ako makikipagkita sa kanya.

Ngayong araw dapat ang meeting ko sa manunulat na si 'JolliEr' o si Vander.

Wala akong natanggap na reply sa email pero tumuloy pa rin ako ng alis.

Hindi ako nagpasama sa secretary ko at sasakyan din ni Lawrence ang gamit namin habang siya ang nagmamaneho.

Si Leanne naman ang nasa front seat katabi ni Lawrence habang nasa likod ako at walang humpay ang pag-ubo.

"Uy, ayos ka lang ba? Walang tigil ang ubo mo," nag-aalalang tanong ni Leanne at lumingon pa sa back seat para makita ang kalagayan ko.

Tumango lang ako bilang tugon habang nakatakip ang palad ko sa bibig ko dahil patuloy ang pag-ubo ko.

Nabasa kami ni Vander kahapon dahil sa matinding pagbuhos ng ulan kaya ngayon ay iniinda ko ang sipon at ubong nakuha ko.

Uminom naman ako ng gamot bago pumunta rito at nagdala rin sa bag kung sakaling hindi kami makauwi kaagad.

Hindi ko puwedeng palagpasin ang pagkakataong ito. Kahit naman hindi siya pumirma at kahit hindi niya i-publish ang kuwento namin sa kompanya ko, gusto ko lang siyang makita at makausap ulit sa mas mahinahong paraan.

Inabutan ako ni Leanne ng tubig para raw hindi masiyadong kumati ang lalamunan ko.

Sobra akong stress dahil na rin sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Naka-jacket pa ako ngayon at tila ba lamig na lamig kahit wala namang aircon sa backseat.

Kaunting minuto pa ang hinintay ko bago kami makarating sa meeting place.

Paupo na sana kami nila Lawrence nang mapansin kong may babaeng tingin nang tingin sa amin sa kabilang table.

"Oh, you're also here?" Namukhaan ko ang babae at nang makita ko ito ay kaagad uminit ang ulo ko.

"Sinong kikitain mo rito?" Lumapit siya at tumayo sa tapat ko para tanungin ako.

Bigla rin akong napaisip kung sino ang kikitain ni Pauline.

Si Pauline Cortez ang may-ari ng PC Publishing na siyang kalaban ng publishing company ko.

Laging dikit ang ratings ng kompanya ko sa kanya pero madalas talaga ay nakakaangat kami.

Lagi kaming nag-uunahan sa pagkuha ng mga magagandang nobela at mukhang alam ko na kung bakit nandito rin siya.

"Yes. May kikitain ako dito. He is a famous writer and he will be here later on to sign my contracts." Kinalma ko ang sarili ko dahil mukhang si Vander din ang hinihintay niya.

Hindi puwede, kapag nagkataon ay malabong pumirma sa kompanya ko si Vander.

Tumawa siya na para bang nakakaloko at nakakalamang. "Oh really? Famous writer? Who? JolliEr? Vander Severo?" Doon ako natigilan at parang nawala ang pagyayabang sa sarili ko.

Paano niya nalaman ang tunay na pangalan ng author?

Nanatili akong nakatindig sa harap niya bago sumagot. "Y-yes. He will be the one who will sign my contracts later on," may kumpiyansang sagot ko pa rin kahit kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.

Tinawanan naman ako ni Pauline at napatingin sa glass door nang may magbukas nito. "Oh, look who's here!" malanding sabi niya at may tinanaw sa likod.

"Sis, si Vander!" naaalarmang bulong sa'kin ni Lawrence.

15 Years of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon