Tears 9: You... Again?

1K 54 0
                                    

15 Years of Tears Chapter 9

---

Jolly's POV

Nakaupo kaming lahat ngayon sa labas ng orphanage habang ang mga bata ay hinihintay ang kuwento ni V.

Nagsisinungaling ba ako kung sasabihin kong hindi ko hinihintay ang kuwento niya?

Kinakabahan at nahihiwagaan ako sa kanya, siguro ay matapos ng ilang taon ay may nakilala na siyang babae na siyang kinukuwento niya sa mga bata.

Hindi pa siya nagsisimula dahil parang may inaalala pa siyang mga pangyayari sa buhay niya.

Tahimik na naghintay ang mga bata habang parang nag-iisip pansi Vander kung paano niya ikukuwento ang lahat.

"Ito na, ikukuwento ko na ba?" Napairap ako sa kawalan dahil sa tanong niya.

Dapat lang na ikuwento na niya dahil antagal na naming naghihintay rito.

Mukhang ako lang naman ang nauubusan ng pasensya dahil tuwang-tuwa pa ang mga bata habang sumasagot kay Vander.

Kinuha niya ang atensyon ng bawat isa bago siya magsimulang magsalaysay.

"Ilang taon nakakaraan, may isang lalake na nagngangalang Vern. Mayaman siya, inglesero at siyempre, guwapo. 8 taong gulang siya noon nang may isang babae siyang nakitang umiiyak sa may bakuran ng mansion nila. Parang naliligaw ito sa sobrang laki ng bahay." Parang mabibingi ako dahil sa naririnig ko mula sa kanya.

Seryoso ba siya o sadyang trip niyang ikuwento ang nakaraan namin dahil nandito ako?

Kahit hindi ko tanungin ay alam ko at nasisiguro kong aming dalawa iyon dahil 'yon ang kuwento naming noong bata pa lang kami at pinalitan niya lang ng pangalan.

"'Di ba po Jelly ang pangalan ng babae?" pagtatanong ni Sean.

"O-oo, Jelly," saad ni V at binaling sandali ang tingin sa akin.

Iniba niya talaga ang mga pangalan at mukhang noon pa lang ay nababanggit niya na ito sa mga bata.

"May isang malaking trahedyang nangyari kaya nawalay si Vern kay Jelly. Nagsisisi no'n si Vern dahil malaki ang naging kasalanan ng pamilya niya sa pamilya ni Jelly." Mabilis makaintindi ang mga bata dahil biglang lumungkot ang mga mata nila.

"Noong 14 na si Vern, naisip niya ulit si Jelly at ang mga alaala nila. Doon nagsimula ang napakahabang paghahanap niya. Naghirap sila Vern dahil nalulong sa sugal ang nanay niya at nagkasakit ito nang malubha. Nawalan siya ng ina kaya namuhay mag-isa si Vern habang umaasang mahahanap si Jelly."

Hindi ko alam kung may katotohanan ba sa mga kuwento niya, ayokong maniwala dahil baka mamaya'y sinasabi niya lang ito oara may maikuwento siya sa mga bata.

"Noong nakaraan mo pa po kinukuwento 'yan sa amin, nahanap na po ba ni Vern so Jelly o hindi pa rin?"

"Sabi mo po noon pa lang ay hindi pa nakikita si Jelly. Nasaan na ba siya ngayon?" tanong ni Mark na halatang inip na inip na sa pagkukuwento ni Vander.

"T-tatay, ano? Nakita niya na po ba si Jelly?" tanong ng isang bata kay Vander.

Oo, nakita na niya.

Gusto kong isagot ang mga katagang iyon sa mga bata pero parang masiyado pang maaga para pangunahan si Vander.

Hindi ko rin naman sigurado kung ako na ang tinutukoy niya sa kuwento niya.

"Sa hinaba-haba ng paghahanap niya, nakita niya na ito, at nasa tabi niya na ngayon," saad ni V at tumingin sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga titig niya pero parang hinahaplos nito ang puso ko.

15 Years of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon