Tears 7: You?

1.1K 63 0
                                    

15 Years of Tears Chapter 7

---

Jolly's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula nang mawala si 'tay Baste at Gwen. Naging maayos ang burol nila pati na rin ang libing. Mas naging maayos na ang braso ko at pinayagan na rin ako ng doktor ba lumabas at magtrabaho.

Puwede ka nang ayusin kung ano man ang mga trabahong naiwan ko sa opisina sa loob ng dalawang linggo. Dalawang linggo akong nawala kaya sigurado akong pang-dalawang linggong trabaho rin ang gahawin ko pagbalik ko sa opisina.

Ibang driver ang nagmaneho ng sasakyan papuntang opisina, wala rin akong secretary kaya ako mismo ang nag-ayos ng schedule ko para sa araw na ito.

Hindi ko pa rin maiwasang hanap-hanapin ang dalawa dahil sila ang nakasanayan kong kasama sa tuwing aalis ako o pupuntang opisina.

Nakakapanibago pero wala naman akong magagawa dahil nangyari na ang mga bagay na hindi inaasahan.

Naging tahimik ang biyahe namin dahil wala rin naman akong gana magsalita at nirereserba ko ang lakas ko para sa mga trabahong gagawin ko mamaya.

Ayaw pa akong pabalikin nila Alexis dahil kailangan kong magpahinga pero tinanggihan ko iyon dahil kailangan kong magtrabaho ulit.

Naging mabilis ang biyahe namin dahil maaga kaming umalis sa bahay at walang traffic masiyado.

Parang bumalik sa dati ang opisina at tuloy-tuloy ang pagtatrabaho nila.

Lumakad ako papunta sa puwesto ni Alexis.

Nagkatama ang mata namin at kaagad siyang napatayo, tinawag niya rin ang iba pa niyang ka-trabaho para abisuhan na nagbalik na ako.

Ang akala ko ay babatiin lang nila ako pero nagulat nang bigla silang may hugutin na tarpaulin kung saan nakalagay ang mga salitang "Welcome back, ma'am Jolly!"

"Welcome back, ma'am!" sabay-sabay nilang saad at sinalubong ako ng mga ngiti.

"Salamat sa inyo."

"Kumusta ka na, ma'am? Bakit bumalik ka kaagad?" tanong ni Alexis.

"Ayos na ako at kaya ko naman na magtrabaho, kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila.

Hindi pa man din sila nakakasagot ay kinuha ko na ang cellphone sa bag ko para sana tumawag sa isang fast food chain.

Bubuksan ko pa lang ang phond ay bigla akong hinawakan ni Alexis.

"Bakit ka tatawag, ma'am? Sinong tatawagan mo?" tanong nito sa akin.

"Magpapadeliver ako ng pagka—" naputol ang sasabihin ko nang lumabas ang dalawang empleyado na may dalang mga pagkain gaya ng pizza, burger, pasta at mga drinks na mukhang sobra pa para sa aming lahat.

Nagulat ako nang makita ang mga pagkaing 'yon dahil nakapagpa-deliver na pala sila.

"Ikaw naman ang bibilhan namin, ma'am, laging ikaw ang nagbibigay sa amin, saka para makapagpahinga ka kahit po nasan opisina ka," saad ng empleyadong may kapit ng tatlong box ng pizza.

Alam kong ginagawa nila 'to para bawasan ang stress ko, iniiwasan din nilang pag-usapan ang tungkol sa pagkawala ng dalawang tauhan.

Inilatag nila sa lamesa ang pagkain at puwersahan akong pinaupo sa tapat ng mga pagkain.

"Pero may mga tatapusin pa akong trabaho—" Naputol na nan ang pagsasalita ko.

"Ano ka ba, ma'am. Tapos na ang mga gagawin mo at wala nang natira. Bilang associate editor mo, ako na ang nag-apruba at pumirma sa ibang hindi mo nabasa dahil nagpapahinga ka."

15 Years of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon