Tears 5: Recovery

1.2K 52 0
                                    

15 Years of Tears Chapter 5

---

Jolly's POV

Nang magkaroon ako ng malay, hindi ko muna iminulat ang mga mata ko. Kahit pa nakapikit ako ay pumapasok ang liwanag na galing sa paligid kung nasaan ako ngayon.

Nararamdaman ko ang bigat ng katawan ko pero parang ayoko pang dumilat at gusto pang magpahinga.

Nang subukan kong dunilat ay tila dumoble ang bigat ng mga mata ko dahil nahirapan akong buksan ang mga ito pati na rin ang paggalaw ng katawan ko ay hindi naging madali.

Ang natatandaan ko lamang ay nabangga ang kotseng sinasakyan namin ni tatay Baste pati na rin ni Gwen.

Nang tuluyan kong matandaan ang pangyayari ay pinuwersa ko ang sarili ko para tuluyang mabuksan ang mga mata ko.

Ilang beses kong sinubukan nginig nahirapan ako. Marami akong naririnig na nagbubulungan sa paligid ngunit hindi ko maaninag kung sino sila.

Muli akong nagpahinga at nag-ipon ng lakas para subukang imulat ulit ang mga mata ko.

Nang tuluyang bumukas ang mga mata ko, bumungad sa akin si nanay na nakaupo sa wheelchair niya, si nanay Delia, ang editor kong si Alexis at isang doctor.

Ngunit kahit gaanong tao pa ang makita ko ay hinahanap ng paningin ko ang dalawang kasama ko sa insidente.

Nasaan si 'tay Baste at si Gwen?

Nawala kaagad ang nasa isip ko dahil nakita kong natataranta ang tat

Nang makita nila akong gising na ay agad silang lumapit sa akin na parang natataranta.

"Anak, mabuti naman at gising ka na!" si nanay Delia.

"Salamat sa Diyos at buhay ang anak ko," si nanay naman ang nagsaliga habang hinawakan ang kamay ko.

Hindi ako makapagsalita at hindi ko sila masagot dahil nanghihina pa rin ako.

Ginamit ko ang lakas ko para makaupo sa kama, kaagad naman akong inalalayan ni Alexis para makasandal ako nang maayos.

Nang makasandal ako sa kama ay huminga ako nang malalim para makapagsalita at makapagtanong sa kanila.

"'Nay, n-nasaan po si tatay Baste at si G-gwen?" Kahit na hindi ko mabuo ang ibang salita masiyado ay naintindihan nila ang sinabi ko.

Nagkatinginan silang tatlo at hindi nakasagot sa akin. Kahit ang doctor ay hindi nakapagsalita at hinihintay sila nanay na magsalita.

Bigla ko na lang narinig ang paghikbi ni nanay at pag-alo sa kanya ni 'nay Delia.

"A-ano pong nangyari?" naguguluhang tanong ko sa kanila ngunit nagkakapaan sila kung sino ba ang magpapaliwanag sa akin.

"A-anak, w-wala na sila," saad ni nanay habang kinakapitan nang mahigpit ang kamay ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig kay nanay ang mga katagang 'yon.

"'N-nay, nasaan sila?" pagtatanong ko sa nanay kong umiiyak ngayon sa harap ko.

"H- hindi totoo 'yan, 'nay, nasaan ba talaga kasi sila?"

Masakit ang katawan ko pero lahat ng sakit na iyon ay nalipat sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ni mama.

Tinulak naman ni nanay Delia ang wheelchair ni nanay para mas mapalapit ito sa akin at para mayakap ako.

Wala akong magawa kundi sumabay kay nanay sa pag-iyak, halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon.

15 Years of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon