"Gising na baby, anong oras na oh, baka malate ka"
Rinig kong sabi ni mama habang hinahawi ang kurtina ko sa kwarto dahilan para masilawan ang mukha ko.
"Ma, five minutes pa po please." pagmamakaawa ko kay mama dahil antok na antok pa ako.
"Nako baby, bumangon ka na dyan kung ayaw mong malate sa school."
Hindi ko pinansin si mama at tinakpan ko nalang ng kumot ang mukha ko.
"Ayaw ba magising ng baby natin Ma? Gusto mo ako ang gigising?"
Rinig kong sabi ng magaling kong kuya kaya hindi ko na hinayaan na makalapit siya sakin dahil bumangon na ako at tiningnan siya ng masama.
"I hate you, kuya" sabi ko sakanya saka tinignan siya ng masama.
"I love you too, baby." sagot niya saka tumawa at lumabas sa kwarto ko.
Palaging ganyan ang eksina namin pag ayaw kong bumangon tuwing weekdays. Dahil pag si kuya ang gigising sakin ay talagang magigising ako, dahil binubuhusan niya lang naman ako ng napakalamig na tubig.
"Ewan ko sayo, bakulaw ka." sabi ko sakanya saka pumasok sa comfort room para maligo.
Ako nga pala si Shaianah (Shayanah) Isabella Cortez at yung lalaki kanina ay ang nag-iisa kong kapatid na si Shawn Ice Cortez.
Hindi kami ganon kayaman. Sakto lang, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at nabibili ang mga kailangan sa pang araw-araw.
Si Mama ay dating nagtitinda ng mga gulay sa palengke pero nang grumadaute si kuya at nakapagtrabaho ay pinatigil na niya si Mama sa pagtitinda.
Si Papa naman ay isang OFW sa Canada. Nagtatrabaho siya sa isang sikat na kompanya duon. Nagsusumikap siya para madala niya kami dun.
~~~~~~
"Oh, baby. Mag-aral ng mabuti ha." sabi ni kuya habang nagmamaneho sa sasakyan na kabibili~~scratch that~~~kauutang palang niya.
"Ano ba kuya, tigilan mo nga yang pagtawag mo sakin ng baby." nakakairitang sagot ko sakanya
"Baby ka parin kaya bawal muna ang boyfriend ha."
"Ewan ko sayo kuya, sige babye na. Love you" sagot ko saka bumaba sa sasakyan ni kuya.
Ngayon ay nandito na ako sa Twotown University. Ang ganda ng pangalan ng school no? Dalawang bayan sa tagalog. Papasok ako sa paaralang ito bilang isang Senior High School student.
Actually ay isa itong private school or should I say that this school is for elites. In other word, para sa mga mayayaman lang. Hindi afford ng mga magulang ko na dito ako mag-aral pero nang dahil kay kuya ay nakapasok ako dito.
Si kuya kasi ay nagtatrabaho bilang isang secretary sa Twotown Company. Kaya kinausap niya ang CEO ng company kung pwede ba sa school nila ako mag-aaral at ibawas nalang sa sweldo niya ang tuition fee ko. Pero dahil mabait ang CEO ay nakapag-aral ako ng libre sa University dahil na rin daw sa husay ni kuya magtrabaho.
Pagpasok ko palang sa school ay makikita mo na ang mga studyanteng halata na mga mayayaman. At dahil first day ko sa University na ito ay wala pa akong uniform at hindi ko rin alam kung saan ko hahanapin ang Dean's Office para kunin ang schedule ko.
Palakad-lakad lang ako dahil nga hinahanap ko ang Dean's Office, hanggang sa may nakabangga akong isang tao.
"S-Sorry po, hindi ko po sinasadya." paumanhin ko sa nabangga ko.
"Tsk!!!" sabi niya saka umalis
Ayy!!! Ang taray ni kuya. Nang-irap pa siya. Kaloka
Sa sobrang laki ng University na ito ay inabot pa ako ng ilang minuto bago ko natagpuan ang Dean's Office, buti nalang maaga ako hinatid ni kuya.
"Um, Good morning po Maam."
bati ko sa isang middle age na babae at tumingin naman siya sakin saka ngumiti."Hi, good morning. May I know who you are?"
"I'm Shaianah Isabella Cortez Maam."
"Oh! You're the new student here, welcome to Twotown University by the way."
"Thank you Maam." sagot ko sakanya saka niya binigay ang schedule ko.
And... OH MY GHADDD, 5 minutes nalang at malalate na ako. Sh!t!! First day na first day ko pa dito tapos malalate na ako.
Takbo lakad na ang ginawa ko para mas mabilis ko mahanap ang classroom ko. Bakit ba kasi ang laki ng paaralang ito. Kainis!
Habang tumatakbo ako ay sa pangalawang beses ay may nabangga na naman ako.
And guess who?????
~~~TO BE CONTINUED ~~~
YOU ARE READING
I Love You until Eternity
FanfictionShaianah Isabella Cortez, a scholar and a transferee student. A non-so-rich girl who met the most suplado Twotown.