Chapter 2

7 1 0
                                    

Shaianah's POV

Habang tumatakbo ako ay sa pangalawang beses ay may nabangga na naman ako.

And guess who?????

Si kuyang masungit na naman at.... Ang sama ng tingin niya sakin.

"Um, sorry ulit kuya." paumanhin ko sakanya.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong niya sakin.

"Ay kuya, hindi ah. Kaloka ka! Hinahanap ko po kasi ang classroom ko. Alam mo ba kung saang banda to?" tanong ko sakanya saka pinakita ang schedule ko.

"Tsk!"

Yan lang ang sagot niya saka lumakad na. Kaloka talaga to si kuya, hindi man lang sinagot ang tanong ko. Napa pout nalang ako at saka tumalikod para hanapin ang classroom ko.

"Hoy!"

Rinig kong sabi niya pero hindi pa rin ako lumingon dahil baka hindi naman ako ang tinawag niya.

"Psst! Hoy!"

Hindi pa rin ako lumingon. Sino ba kasi ang tinatawag niya?

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may humatak sakin.

"Bingi ka ba? O nag bingibingihan lang? Kanina pa kita tinatawag ah. Akala ko ba gusto mo malaman kung saang banda ang classroom mo?" sabi niya sakin na parang umuusok ang ilong niya sa sobrang inis.

Malay ko bang ako pala ang tinatawag niya. Sungit sungit akala mo gwapo... He he he, gwapo talaga siya mga bes.

" Eh! Kuya, hindi ko naman po alam na ako pala ang tinatawag mo. " paumanhin ko sakanya.

"Tigilan mo nga yang pagtawag sakin ng kuya. Ouh! Sundan moko kung gusto mong malaman kung saan ang classroom mo." sabi niya sakin saka tumalikod.

Ang sungit niya grabe. Super duper mega ultra sungit niya. Akala mo may period eh.

So gaya ng sabi niya ay sinundan ko siya. Medyo nagtataka lang ako kasi ang daming nakatingin samin saka nagbubulungan.

Sobrang ganda ko ba? Ay hehe, sisihin mo mga magulang ko kasi ginandahan nila ang paggawa sakin *peace*.

Maya-maya ay pumasok siya sa isang classroom na ang ingay ingay sa luob. Akala ko ba ituturo niya sakin kung saang banda ng University na ito ang classroom ko?

Tiningnan ko lang siya habang naglakad siya papasok sa classroom na pinasukan niya, classroom niya ata.

Habang nag-iisip ako ay may kumalabit sakin at lumingon naman ang magandang ako, hehe.

Si kuyang pogi pala hehe

"Ano pang hinihintay mo diyan? Bat hindi kapa pumasok?"

"Bat naman ako papasok diyan sa classroom niyo? At akala ko ba ituturo mo sakin kung saang banda ng University na ito ang classroom ko?"

"Bobo! Ito na nga ang classroom mo at magkaklase tayo. Tanga nito!!!" sabi niya sakin saka tumalikod.

Sinabihan pa talaga ako ng tanga. Malay ko bang ito na pala ang classroom ko? Hindi naman kasi nagsasalita.

Sumunod nalang ako sakanya at umupo sa tabi niya. At nagtaka na naman ako kasi ang daming nakatingin samin or should I say sakin. Dami namang nagagandahan sakin he he he. Charot!!

Hinayaan ko nalang sila na tignan si magandang ako pero yung tenga ko ay hindi mapakili at nakikinig talaga sa mga usap-usapan ng mga 'kaklase' ko.

'Hala! Bat siya tumabi kay Prince Seth?'

'Oo nga! Diba ayaw ni Prince na may katabi siya?'

Sinong Prince ba yang pinag-uusapan nila? May Prince pala sa paaralang ito? Bat hindi ako ininform ng Dean?

Para malaman ko kung sino yung Prince Sek? Sek ba yun? Ang pangit naman ng pangalan.

Kinilabit ko yung katabi ko na nakatingin sa labas ng bintana.

"Oy! Sino yung Prince Sek na pinag-uusapan nila?" bulong ko sakanya na hindi naman niya ako pinansin.

"Oy! Sino ba kasi yung Sek na yun? Bat ang pangit ng pangalan niya? Prince nga siya pero ang pangit naman ng pangalan." sabi ko sakanya dahilan para lingunin niya ako.

"It's Seth, not Sek. Bobo mo talaga. And please, wag mo kong guluhin dahil ayaw ko ng ginugulo ako." sagot niya sakin.

Seth pala yun eh, hindi naman pala Sek he he he. Kakahiya ka Shaianah.

Ayaw niya daw ng ginugulo ko siya pero no choice naman ako eh kasi siya lang ang kilala io dito. Ay wait! Hindi ko pala siya kilala he he he.

"Sungit mo talaga, gusto lang naman kitang kausapin kasi na bobored ako eh."

"Hindi tayo close para makipag-usap ako sayo so please, stop bothering me." sagot niya sakin na inirapan na naman ako.

Bakla ata to eh. Sayang, gwapo pa naman he he he. Malandutay talaga si ako. Okay lang maganda naman ako eh. He he he

~~~TO BE CONTINUED~~~

I Love You until Eternity Where stories live. Discover now