Chapter 6

3 0 0
                                    


Shaianah's POV

Time check, 12:00 noon. So that means 30 minutes na akong naglibot sa paaralang ito. 11:00 kasi kami dinismiss ng lecturer namin at sa sobrang laki ng school nato ay inabot ako ng ilang minuta sa kakalibot at kakahanap ng pwedeng kainan.

Hindi ko kasi alam kung saang banda ang cafeteria dito at kung nagtatanong ako ay hindi naman ako pinapansin. Hindi namamansin, hindi naman kagandahan at kagwapohan ang mga tinatanungan ko kaya ayon, no choice ako kundi maglibot ng maglibot.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakita akong park na walang katao tao. Ang yaman talaga ng school nato, may sariling park. He he he

Naglakad na ako papunta duon at umupo sa may bench na paikot at may lamesa. Gets niyo?

Kukunin ko na sana ang baon ko na niluta ni mama (he he he) kaya lang ay may nakita ako sa di kalayuan na babaeng umiiyak habang tinutulak siya nang dalawang babae kaya dali-dali ko itong nilapitan.

"Hoy! Ano yang ginagawa niyo? Bullying yan ah." sigaw ko sa dalawang babae kaya napatingin sila sakin.

"At sino ka naman? Kaibigan mo ba tong hampas lupa na to?" tanong sakin nung babaeng super payat na akala moy skeleton na naglalakad sabay turo dun sa babaeng tinutulak nila kanina.

"Siguro hampas lupa ka din kagaya nito no? Kaya pinagtanggol mo to? Alam niyo, hindi kaya bagay sa paaralang ito kasi para sa mga mayayaman to at hindi para sa mga hampas lupa na kagaya niyo." sabi naman nung babaeng medyo may kaitiman.

"Sinasagad niyo ba ang pasensya ko? Anong hampas lupang sinasabi niyo? Gusto niyo yang mukha niyo ang ihampas ko sa lupa? Kung makapanglait akala mo sinong maganda. Para malaman niyo, hindi kayo kagandahan." sabi ko sakanila saka hinila yung babaeng inaway nila kanina.

Umupo kaming dalawa sa bench saka ko siya nginitian.

" Okay ka lang ba? "tanong ko sakanya at ngumiti naman siya.

" Okay lang ako, salamat pala ha. " aniya

" Ano ka ba, okay lang yun no. Ako nga pala si Shaianah, Shaishai for short. " pagpapakilala ko sakanya at hinilahad ang kamay ko.

" Ako naman si Francis Jane Gomez, Jane for short." pagpapakilala niya sakin saka tinanggap ang kamay ko.

" Bakit ka nga pala inaway nung mga yun? " tanong ko sakanya saka kinuha ang baon ko sa bag.

" Alam kasi nila na scholar lang ako sa school nato at para sakanila hindi ako nababagay dito. " sagot niya sakin at kinuha niya din ang baon niya.

Parehas pala kaming nagbabaon. He he he

" Oh, eh ano ngayon kung scholar ka dito? Mga tao talaga ngayon masyadong mapanghusga. "

" Oo nga eh! "

" Wala ka bang kaibigan dito?" tanong ko sakanya

" Meron naman. Nag-iisang kaibigan ko dito at parehas kaming scholar dito kaso lang absent siya ngayon kasi may lagnat daw siya. Yan yung tinext niya sakin kanina. "

" Dagdag mo naman ako sa friends mo. " sabi ko sakanya kaya tumawa siya.

"Hahaha! Oo naman, ano kaba. Sigurado matutuwa yun si Jessica pag nalaman niya may bago kaming kaibigan." sabi niya sakin na sa tingin ko ay tinutukoy niya ang kaibigan niya.

" Bago ka dito no? Hindi ka kasi naka uniform eh." tanong niya sakin.

"Ah oo,bago ako dito. Alam mo, may itatanong lang ako sayo ha."

"Oh sige, ano ba yang itatanong mo?"

"Kilala mo ba kung sino si Prince Sek? Pinag-uusapan kasi ng mga kaklase kong babae yang Prince Sek na yan."

"BWAAAHAHAHAHAHAHA"

Tawa niya ng malakas kaya nagtaka ako.

"Hoy! Bat ka tumawa?"

"Pft! Sorry hindi ko mapigilan, Seth kasi yun hindi Sek. Hahahaha, kaloka ka. Seriously? Hindi mo siya kilala?" tanong niya sakin

"Duh! Alam mo namang bago ako dito diba?"

"Hula ko lang, hindi mo binasa ang student handbook no?"

"Anong student handbook?"

"Duh! Dun nakalagay lahat lahat, as in lahat. Policies, rules and regulations, donts and dos, the family of the owner of the school and including the son which is Prince Seth."

"Ah oo nga, hindi ko binasa kasi tinatamad ako eh. Pero seriously? Porket anak siya ng may-ari prince na agad siya?"

"Hindi lang dahil anak siya ng may-ari, dahil din ubod siya ng kagwapohan pero ubod din ng kasungitan." sabi niya. Naalala ko tuloy si Adrian.

"Ngek! Turn off sakanya yun."

"Imbes ma turn off ang mga kababaihin eh mas lalo pang humanga. Actually lima yan sila eh."

"Lima?"

"Oo! Magpipinsan na ubod din ng kagwapohan. Pero yung isa sakanila ay freshly graduate at kasalukuyang nagtatrabaho sa kompanyang pag-aari ng pamilya nila."

"Super yaman naman nila. SANA ALL."

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa napag-alaman namin na classmate kami sa lahat ng subject after lunch.

~~~TO BE CONTINUED~~~

I Love You until Eternity Where stories live. Discover now