Shaianah's POV
Iba talaga ang feeling ko sa bahay nayun. Not that may something pero alam niyo yung parang may mabigat silang problema na mararamdaman mo talaga pag pasok mo. Gusto ko sanang itanong kay Francis kung may problema ba yung kaibigan niya pero parang sobrang personal naman ata masyado kung itutuloy ko ang pagtatanong.
Hindi na ako umimik pa at sumunod nalang ako kay Francis hanggang sa dumating na kami sa University.
Last subject na pala namin. Kasi diba 1-2 PM ay English yung subject namin at 2-4 naman ay Science subject at ang last subject namin ay hindi ko alam kaya itatanong ko kay Francis kung ano ang last subject namin.
"Ano pala ang last subject natin, Francis?" tanong ko sakanya dahilan para lingunin niya ako.
Napapansin ko rin si Francis na parang wala siya sa sarili niya. Kanina ko pa yan siya napapansin nung pag-alis namin sa bahay ni Jessica.
"Mm? Ano ulit yun?" tanong niya sakin kaya mas lalong akong naweweirduhan sakanya.
"Ano kako ang huli nating subject." tanong ko ulit sakanya.
"Ahm, PE yung huli nating subject. Pinapasabi pala nung Lec natin na kunin mo nalang daw ang PE uniform mo sa supply office." sagot niya sakin.
"Ahm, pwede mo ba ako samahan? Hindi ko kasi alam kung saang banda ang supply office eh."
"..."
"Francis--" tawag ko sakanya at saka hinawakan ang kamay niya na ikinagulat naman niya.
"Teka nga, okay ka lang ba? Kanina ka pa wala sa sarili ah. May problema ba Francis?" tanong ko sakanya dahilan para umiling siya ng umiling.
"W-Wala naman. W-Wag mo na akong pansinin." Aniya
"Pwede ba ako magpasama sa supply Office? Hindi ko kasi alam kung saang banda yun eh." pakiusap ko ulit sakanya.
"Oo naman. Tara na para makapagpalit na tayo kaagad." sagot niya sakin kaya sumunod nalang ako sakanya.
~~~~
Nakuha ko na ang PE uniform ko at isa lang ang masasabi ko. Hindi ko siya feel, kasi naman ang iksi. Parang makikitaan naman ako sa lagay nato.
Volleyball daw kasi ang lalaruin namin ngayon kaya ganito ang outfit namin. Every Monday, Wednesday, and Friday kami mag PE at iba iba ang susuotin namin depende sa larong lalaruin namin.
Hindi talaga ako mapakali at hindi ako comfortable sa suot ko.
"Wetwiww~~~"
Dinig kong sabi nung isang lalaki na nakaupo sa may bench. Hindi ko ito nilingon dahil baka hindi naman para sakin yun.
"Shai, andaming nakatingin sayo. Ganda kasi ng legs mo eh ang puti." bulong ni Francis sakin
"Gagi! Hindi naman ako ang sinabihan nun no."
"Ikaw kaya."
"Hayst!"
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad patungong open field kasi dun daw kami maglalaro.
Sumunod lang ako kay Francis na papunta sa may bench para ilagay ang gamit niya at dun ko na rin nilagay ang gamit ko. Umupo muna kami para hintayin ang mga classmates namin.
Maya-maya ay naaninag ko si Adrian na papunta samin at ang sama ng tingin niya sakin.
"Ginagawa mo dito? Gulo na naman ang gusto mo? Umalis ka nga dito, panira ka ng araw eh." sabi ko sakanya at saka umirap at ang gago ay hindi nagpatalo at umiral din.
"As if naman na ikaw ang pinunta ko dito. Dream on Shanghai." sagot niya sakin at saka binaling ang tingin kay Francis.
"Francis hintayin mo nalang ako sa parking lot mamaya. Sabay tayong uuwi." sabi niya kay Francis at tumingin sakin ulit. "at ikaw naman, konting advice lang. Wag kang masyadong assuming, hindi bagay sayo." sabi niya sakin saka umalis.
Relax lang Shai. Hingang malalim. Wag mong dibdibin ang sinabi nung bakulaw na yun. Anong tawag niya sakin? S-Shanghai? Kailan pa naging shanghai ang pangalan ko? P*tangina siya. Mapapatay talaga kitang bakulaw ka.
"Shai! Okay ka lang? Wag mo nang pansinin yun, ganun talaga siya." sabi sakin ni Francis sabay tal ng likod ko.
"Magkakilala kayo?" tanong ko sakanya.
"Ah oo. Dun kasi nagtatrabaho si nanay sakanila bilang kasambahay at dun narin kami pinatira. Medyo nagulat nga ako eh nung sinabi niyang sabay kaming uuwi dahil kadalasan naman ay yung mommy or daddy niya ang nagsasabi sakin na sabay kaming uuwi."
"Mm, ganun ba."
"Pero nung nasa abroad na yung parents niya ay hindi na kami sabay umuuwi kasi nahihiya kasi ako sakanya eh." dagdag niya.
"Alam mo pansin ko lang, pag nasa bahay na kami ay palagi ko siyang naririnig na sumisigaw sa kwarto niya. May sinisigaw siyang pangalan eh pero hindi ako sure kung tama ba ang narinig ko..."
"Baka natuluyan na siyang mabaliw."
"Siguro nga! I think he's crazy inlove with someone. Yung pangalang sinisigaw niya."
Nakaka-intriga naman to. Kahit hindi ako interesado eh parang gusto ko ring malaman.
"Ano bang pangalan ang sinisigaw niya?" tanong ko sakanya at ngumiti naman siya ng nakakaloko sakin.
"Shai..."
~~~ TO BE CONTINUED ~~~
YOU ARE READING
I Love You until Eternity
FanfictionShaianah Isabella Cortez, a scholar and a transferee student. A non-so-rich girl who met the most suplado Twotown.