Adrian's POV
"Ah, so ganon? Ewan ko sayo, hindi ka rin naman pogi eh so quits lang tayo "
Teka lang, problema nang babaeng to? Kung makasigaw akala mo nakalunok ng microphone eh hindi naman siya ang kinausap ko.
Si Francis sana ang kakausapin ko eh bigla bigla ba naman sumingit. Si Francis ay kababata ko at anak siya ni Manang Ester. Kapatid narin ang turing ko sakanya at SIYA ang tinanong ko kung saan siya kumain kasi dati ay palagi kaming sabay kumain ni Francis.
Si Francis ay isang scholar sa school na pagmamay-ari namin at dahil isa nga siyang scholar ay palagi siyang binubully. Minsan ko na siyang pinagtanggol pero nang dahil sa ginawa ko ay mas lalo siyang binully ng mga kababaihan.
Pagkatapos sumigaw ni Shai? Shai ba pangalan nun? Nakalimutan ko eh, Shai kasi tawag ni Francis sakanya. Pagkatapos nga niya sumigaw ay hinila na niya si Francis palabas at ako naman ay dumiritso sa office ni tita Aileen kasi meron nga kaming 2 hours vacant.
~Office~
Pagpasok ko ay nakita ko ang mga pinsan ko na nag-aasaran sa may living room. Kung hindi niyo alam ay may living room tung opisina ni tita tas may bedroom pa. Restricted area kasi to at kami pa lang ang nakapasok dito sa office ni tita.
"Oh! Nandiyan na pala si Adrian eh. Anyare sa mukha mo? Para kang natatae na ewan." sabi ni kuya Ken saka tumawa sila.
'Siraulo talaga'
"Gagu!" sagot ko sakanya saka dumiritso sa sofa para umupo.
"Problema mo dre?" tanong ni Gian sakin at saka sila naglapitan.
"..."
Hindi ko sila sinagot kaya nag change topic nalang sila
" Na meet niyo na ba si 'lucky girl'?" tanong ni kuya Ace samin.
"Teka lang! Kailan ka pa naging interisado sa babae?" singit ni kuya Ken kaya napatawa kami.
Si kuya Ace talaga ay kailanmay hindi naging interesado sa isang babae or pag nagkekwentuhan kami about sa isang babae ay tahimik lang siya at makikinig pero ngayon ay siya talaga ang nag open up kaya medyo nagulat kami.
"Gagu! Pero seryoso, sabi ni tita classmate mo raw yun Adrian." Aniya
"Huh? Classmate ko? Aba ewan, hindi ko alam kung sino yang lucky girl na yan na classmate ko." sagot ko sakanya.
Sino ba kasi yang lucky girl na yan. Ni hindi ko nga alam ang mga pangalan ng kaklase ko eh.
"Shaianah Isabella Cortez daw ang pangalan. Does it ring a bell to you?" tanong niya sakin dahilan para mapaayos ako ng upo at tumingin sakanya.
"Siya? Yung babaeng yun pala si lucky girl?" sabi ko sakanya ng pasigaw.
"Whoa, whoa, whoa! Easy lang dre. Bakit, ano bang meron sa babaeng yun at ganyan ka makapagreact?" sabi ni Gian
"Dre, naalala niyo ba yung araw na pinuntahan niyo ko sa classroom? Yung babaeng akala mo nakalunok ng microphone sa sobrang lakas sumigaw? Siya yun dre, siya yung sinasabi niyong lucky girl." sagot ko sakanila.
"Ahh. Okay, siya pala yung babaeng chicks na kasama mo nun." sabi ni kuya Ken.
"Psh! Anong chicks? Di mo ba nakikita kung gaano kataba ang babaeng yun? Yun na ba ang chicks ngayon dre?" sagot ko sakanila
"Oo dre ang taba niya pero potek nayan ang hot parin ng dating niya." sabi ni kuya Ken na sumang-ayon naman ang mga gago.
"Bahala kayo diyan. Ano bang nakita niyo dun sa babaeng yun at gandang ganda kayo sakanya." sabi ko sakanila saka lumabas sa office ni tita.
Mga gago talaga. Hindi naman kagandahan ang babaeng yun at hindi rin sexy at sa totoo lang ay ang layo niya sa salitang 'Almost Perfect'.
Humanda ka sakin Shaianah Isabella Cortez. Swerte ka nga at nakapag-aral ka dito ng libre pero malas ka rin dahil kinalaban mo ako.
~~~TO BE CONTINUED~~~
YOU ARE READING
I Love You until Eternity
FanfictionShaianah Isabella Cortez, a scholar and a transferee student. A non-so-rich girl who met the most suplado Twotown.