Chapter 4

6 1 0
                                    


Adrian's POV

"Hijo, gising na. Baka malate ka sa school."

Rinig kong sabi ni manang Ester sabay yugyog sakin. Bata palang ako ay si manang na ang nag-aalaga sakin dahil palaging busy ang mga magulang ko sa business namin.

Bumangon na ako at dumiritso sa comfort room para maligo.

Ako nga pala si Seth Adrian Twotown. Ganda ng apelyido ko no? Nag-aaral ako sa paaralang pag-aari ng mga magulang ko at sa paaralang iyon ay KAMI ang batas.

Kami ng mga pinsan ko. Si Phil Ace, Kenny Mark, Christian Lance and Gian Karlo. Sila ang mga pinsan ko at the same time mga barkada ko. Pero si kuya Christian ay kasalukuyang nagtatrabaho na sa kompanyang pag-aari nang pamilya namin.Siya ang nagsisilbing leader namin kaya siya ang palaging napapagalitan pag gumigimik kami. Kami ang tinaguriang mga prinsipe sa paaralan pero sa totoo lang ay ayaw ko ng tinatawag ako na prinsipe kasi dahil dun ay maraming babaeng humaharot sakin. Mga HIGAD.

~~~~~~~

TWOTOWN UNIVERSITY

Pag labas ko sa sasakyan ko ay as usual, maraming mga babaeng naghihintay sakin. Ito talaga ang ayaw ko eh, hindi ko naman sila binibigyan ng pansin, lapit parin ng lapit. Ayaw ko pa naman sa mga babaeng maharot.

Nilagpasan ko lang sila saka naglakad papasok sa main campus.

Habang naglalakad ako ay may babaeng bumangga sa likod ko. Tiningnan ko siya at~~~

DUG.. DUG..

DUG.. DUG..

DUG.. DUG..

SHIT...

"S-sorry po, hindi ko po sinasadya." paumanhin niya sakin.

Sh!t talaga.

Bulag ba tong babaeng to? Kelaki laki kong tao hindi niya ko nakita? Ayoko talaga sa mga babaeng tatanga tanga kagaya nang isang to.

" Tsk! " sagot ko sakanya saka siya tinalikuran.

Naglakad na ako papunta sa office ni tita Aileen na kapatid ng daddy ko and siya ang school president.

"Good morning tita." bati ko sakanya pagkapasok ko saka umupo sa couch.

"Good morning din Adrian. First time mo kong binati ng good morning so I guess na you really have a good morning to start. I really wonder lang kung sino or ano ang nakapagpaganda ng mood mo." sabi niya sakin saka ngumiti na nakakaloko.

"Stop it,tita. You're pissing me off."

"Ito naman, di na mabiro. Nangamusta pala sayo ang mommy at daddy mo. Tawagan mo daw sila pag free time mo. Okay?" sabi niya sakin kaya tumango nalang ako.

"By the way, na meet mo na ba si lucky girl na pinag-aral ng parents mo dito for free?" tanong sakin ni tita kaya nagtaka ako.

Ang mahal-mahal ng tuition dito tas yung 'lucky girl' na yun libreng nag-aaral dito? It's unfair, pero ano bang pakialam ko sa babaeng yun? Sa lucky girl na yun? Swerte talaga siya dahil nakapag-aral siya ng libre sa school na to.

"No and I'm not interested." sagot ko kay tita.

"Sabi ng tito at daddy mo, magandang babae daw."

"Anong pakialam ko kung maganda siya and please tita drop the topic okay? Alis nako, bye."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni tita kasi lumabas na ako sa office niya.

Palaging ganyan si tita sakin. Gusto na kasi nila ako na magka girlfriend kasi nagmumukha na daw akong bakla kung sa tanda ko na to ay never na ulit ako nagkagirlfriend pa ako nagka girlfriend.

Nang dahil sakanya nasira ang tiwala ko sa mga babae. Iniwan niya ko bigla-bigla. Kung ayaw na niya sakin pwede naman niyang sabihin eh, hindi yung nangiiwan na lang siya nang walang pasabi. Kahit osang salita wala akong narinig sakanya, lumipas nalang ang isang taon ni anino niya hindi ko nakita. Sinira niya ang tiwala ko sa mga babae, pareparehas sila na iiwan lang ako. And I promise to myself na NEVER as in NEVER na ako maiinlove at never na ako papasok sa isang relasyon. Bahala na kung tatanda akong binata. Wala akong pakialam.

Naglakad na ako papunta sa classroom ko na sa pangalawang beses ay may bumangga na naman sa likod ko. Ayaw na ayaw ko pa naman nang binabangga ako. Nakakasira ng umaga, shit!

Pero pagtingin ko~~~

DUG..DUG..

DUG..DUG..

DUG..DUG..

~~~TO BE CONTINUED ~~~

I Love You until Eternity Where stories live. Discover now