Chapter 3

7 1 0
                                    


Shaianah's POV

Hindi ko na kinulit yung katabi kong pogi kasi hindi nga daw kami close. Hmp! Mukha niya. Ang arte niya ah, daig niya pa ako na babae sa kaartehan.

Maya-maya ay dumating na yung Lecturer namin I think, at dahil nga bago lang ako dito ay pinag introduce yourself ako sa harap.

"Hi! I'm Shaianah Isabella Cortez but you can call me Shaishai for short and I hope we can be good friends." sabi ko sabay ngiti.

"Thank you miss Cortez, you can go back to your seat." sabi ng Lec namin.

Bumalik na ako sa upuan ko and itong katabi ko ay natutulog. Buti hindi siya nakita ng Lec namin, lagot talaga siya pag nagkataon.

DISCUSS...

DISCUSS...

DISCUSS...

DISCUSS...

"Class dismiss."

Boring niya magturo, swear. Lunch break na at naglabasan na ang mga kaklase ko at itong katabi kong pogi ay natutulog parin. Buti nalang talaga nasa dulo kami naka-upo at hindi siya masyadong nakikita ng Lec namin na natutulog lang.

At dahil nga isa akong dakilang transferee ay hindi ko alam kung saanv parte na naman ng University na ito ang cafeteria.

Ginising ko yung katabi ko para sakanya nalang ako sasabay ng lunch dahil wala pa naman akong friends dito.

"Pst! Hoy,gising. Lunch break na." sabi ko sakanya sabay yugyog.

"Mmm.!" sagot niya lang sakin.

"Woi! Lunch break na."

"Mmm.!" sagot na naman niya sakin.

Gigisingin ko na naman sana siya pero may tatlong lalaking pogi ang nagsidatingan sa classroom namin. Sure ako na hindi namin to kaklase dahil parang mas matanda ito samin.

Tiningnan ako ng tatlong pogi na may pagtataka sa mukha nila.

"Ahm,hi?"alanganing bati ko sakanila

"Err, who are you miss? And what do you think your doing?" tanong sakin nung lalaking medyo payat na matangkad pero pogi.

"Um, I'm Shaianah Isabella Cortez at ginigising siya. " sagot ko sakanila sabay turo sa katabi kong pogi na hanggang ngayon ay natutulog parin .

Hindi na nila ako pinansin at sila na ang gumising kay sungit.

"Hey! Adrian, wake up." sabi nung lalaking medyo malaman na matangka pero pogi din.

Actually, silang tatlo ay puro matatangkad at pogi.

"Ano ba? Kitang natutulog yung tao eh.!" sagot ni lalaking sungit na halatang naiinis.

Adrian pala pangalan ni sungit, he he he.

"Lunch break na hoy." sabi nung lalaking singit na matangkad na pogi.

Hindi na nagsalita si Adrian at tumayo na ito sabay kuha sa bag niya saka naglakad palabas sana ng classroom pero  nang malapit na sila sa pintuan ay tinawag ko siya.

"Oy, Adrian. Pwede ba ako sumabay maglunch sa inyo?" tanong ko sakanya dahilan para lumingon siya sakin.

"NO!" sigaw niya sakin

"Luh! Galit? Kailangan talaga sumigaw? Nagtatanong lang eh..." sagot ko sakanya sabay flip hair at kinuha ang bag ko.

Nagtatanong lang kung pwede ba sumabay sakanila, naninigaw pa. Pwede namang sabihin na mahinahon eh, kailangan pa talaga sumigaw.

At dahil nasa may pintuan sila ay hindi ako makadaan.

" TABI!!!" sigaw ko sakanila kaya nagsitabihan sila para makadaan ako.

So, saan na ako pupunta ngayon? Hindi ko alam kung nasaan ang cafeteria?

Nakapag decide ako na maglibot nalang at nagbabakasakaling makakita ako ng parte ng University na ito na pwede kainan tutal maaga pa naman.

~~~ TO BE CONTINUED ~~~

I Love You until Eternity Where stories live. Discover now