Chapter 8

4 0 0
                                    

Shaianah's POV

Pagkatapos namin kumain ay dumiritso na kami sa classroom namin for the next subject. Buti nalang talaga at meron na aking kaibigan at classmate ko pa, hindi na ako maliligaw.

Napag-alaman ko na dito pala sa school nato ay kaming mga students ang pupunta sa classroom ng mga teachers namin taga subjects, hindi kagaya sa dati kong school na ang mga teachers ang pupunta sa classroom namin. At taga subject ay iba-iba ang magiging classmate mo. Kagaya ngayon, kaninang umaga ay hindi kami magkaklase ni Francis pero sa mga subjects namin after lunch ay magkaklase na kami.

Pumasok na kami sa classroom at dun kami umupo sa bandang dulo na malapit sa bintana. Si Francis ang nasa bandang bintana at ako naman ang nakaupo tabi sa kanya.

Di nagtagal ay dumating naman ang lec namin.

Habang nagtuturo ang lec namin ay may biglang pumasok kaya napahinto ang lec sa pagtuturo at napabuntong hininga saka nagpatuloy.

"Like I was saying..."

Blah.. Blah..

Blah.. Blah..

Guess who kung sinong pumasok?

Si pogi... pero masungit

Tumabi siya sakin kaya ayan na naman ang mga bulong bulongan. Ganda ko talaga masyado. He he he

"Class dismiss..."

Sabi ng Lec namin saka niligpit ko na ang gamit ko. At habang nagliligpit ako ay biglang nagsalita tung isang katabi ko.

"San ka kumain?" tanong ni sungit.

Pakialam niya? Kung sigawan niya ko kanina parang ang tagal na naming magkakilala o magkaaway.

Hindi ko siya kinibo at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

"Tahimik mo ata ngayon?" tanong niya sakin.

"Psh! Nagtaka ka pa talaga at bakit tahimik ako. Magkakilala ba tayo? Sa pagkakaalam ko ngayon lang kita nameet at kung makapagsabi ka na tahimik ako parang ang tagal mo na akong kilala ah. At close ba tayo para kausapin kita?" sagot ko sakanya at nakita ko na bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

" Sungit mo, hindi ka naman maganda. "
sabi niya sakin

"Ah, so ganon? Ewan ko sayo, hindi ka rin naman pogi eh so quits lang tayo " sagot ko sakanya saka ko nalang naramdaman na ang ibang kaklase ko ay nakatingin samin.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at hinila ko na si Francis palabas sa classroom.

" T-Teka lang. " sigaw ni Francis kaya napatigil ako.

" Ano ba Shai, dahan-dahan naman." sabi niya sakin at hingal na hingal siya.

Nakaladkad ko pala siya at hindi ko yun namalayan dahil sa sobrang inis ko sa lalaking yun. Ka imbyerna.

"Hala sorry, hindi ko namalayan na hila-hila pa pala kita."

"Grabe kayo kanina ah. Daig niyo pa ang nag LQ."

"Anong LQ? Alam mo, never as in never ako magkakagusto sa lalaking katulad nung Adrian na yun. Ang sahol ng ugali."

" Ano ba kasing ginawa niya sayo ay nagkakaganyan ka?"

" Sinigawan lang naman ako ng lalaking yun. Alam mo bang never ako sinigawan ng mga magulang ko at siya sinisigawan ako? Nung kinausap ko siya kanina sabi pa niya sakin na wag ko siyang kausapin kasi hindi naman daw kami close tapos ngayon gaganyan ganyan siya? Putek nayan. L*che siya. " sabi ko sakanya.

" Okay, relax na. Highblood ka masyado. " sabi ni Francis sakin saka siya tumawa.

" Ano bang next subject natin? " tanong ko sakanya.

"Wala si Ma'am Santos, sabi niya samin last week na absent siya for the whole week kasi may aasikasuhin daw siya." Aniya

So meron kaming 2 hours na vacant, at napagdisisyunan namin na bisitahin yung kaibigan niya.

Sumakay kami ng jeep papuntang hindi ko alam(he he he) at hindi nagtagal ay dumating din kami. Hindi naman kasi ganun kalayo, pwede nga ata namon lakarin eh kaso ngalang ang init kaya ata naisipan ni Francis na magcommute nalang.

Kunting lakad at kunting kembot ang ginawa namin saka huminto si Francis sa tapat ng bahay. Maganda yung bahay, simple lang tapos sementado at may pintura. Meron din silang terrace sa labas. Dito ata nakatira ang kaibigan ni Francis. Akala ko ba scholar din yung kaibigan niya, eh mukhang may kaya naman ah.

"Dito nakatira ang kaibigan mo?" tanong ko kay Francis

"Oo, bahay yan ng tito niya na nasa abroad. Nakikitira lang sila." sagot niya sakin saka siya kumatok sa pintuan,alangan naman sa bintana diba.

Pagkatapos ng ilang katok ay bumukas ang pintk at bumungad samin ang isang babaeng medyo may kaedaran na.

"Hi po tita, nandiyan po ba si Jessica?" tanong niya dun na feeling ko ay nanay yun nung Jessica.

"Ah oo, nandon sa kwarto niya. Pasok kayo, puntahan niyo nalang siya sa kwarto niya." sagot nung baba3 saka kami pinatuloy.

Pagpasok namin ay hindi nga ako nagkamali dahil maganda din ang loob ng bahay at sobrang homey niya pero I can feel the sadness. Nevermind.

I Love You until Eternity Where stories live. Discover now