Ngayon ay nandito kami sa park ng subdivision. Wala nang masiyadong tao dahil anong oras na din naman. Kumakain kami ng ice cream na binili muna namin sa labas ng subdivision bago kami pumunta dito."Ahm, ano pala pangalan mo?" tanong ko sa katabi ko na kumakain ng cookies and cream na ice cream, parehas pa talaga kami ng favorite flavor ng ice cream.
"I'm Gabriel Mendoza, Gab for short." sabi niya saka inilahad niya ang kamay niya sakin na agad ko namang tinanggap.
"I'm Shaianah Isabella Cortez, Shai for short." pakilala ko din sakanya.
"Pasensiya kana kina mama at kuya kanina ha." paumanhin ko sakanya
Ngumiti muna siya bago nagsalita.
"Wala yun, naiintindihan ko naman sila lalo nat babae ka. Nasaan pala papa mo?" tanong niya sakin
"Nasa ibang bansa siya nagtatrabaho. Ikaw, nasaan parents mo?"
"Si mama at kuya nalang ang meron ako ngayon." aniya saka siya tumingin sa malayo.
"Bakit? Nasaan ba papa mo?" tanong ko sakaniya.
"Iniwan niya kami nung 7 years old pa ako."
"I'm sorry to hear that. Hindi dapat ako nagtanong."
"Hindi, okay lang. Sanay naman na din ako na wala siya sa buhay namin eh."
Bumalot ang katahimikan saming dalawa saka ko binasag ang katahimikan.
"Alam mo, ngayon lang kita nakita dito eh ang tagal-tagal na namin nakatira dito." sabi ko sakaniya. Since birth ko dito na kami nakatira pero once hindi ko nakita si Gab dito.
"Hindi mo lang siguro ako napapansin, palagi kaya kitang nakikita sa kwarto mo na sumasayaw-sayaw." sabi niya na nagpalaki sa mata ko.
"Weh? Seryoso? Paano mo ko nakita?"
"Gamit mga mata ko?"
"Aish! Seryoso kasi, pano?"
Aba ang gago tinawanan lang ako.
"Pag-uwi mo lumabas ka sa terrace ng kwarto mo."
Nacurious naman ako bigla kaya nagpaalam na ako sakaniya na uuwi na ako. Hiningi niya ang number ko saka ako nagpaalam. Ihahatid niya sana ako kaso hindi ako pumayag kaya umuwi na din siya.
Pagdating ko sa bahay ay nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko at pumunta sa terrace at pagpunta ko dun ay nagulat ako sa nakita ko.
Nakita ko si Gab na kumakaway sakin, nasa terrace din siya sa isang bahay na nasa tapat lang nang bahay namin pero medyo kalayuan. Gets niyo? Sa susunod ay hindi ko na hahawiin ang kurtina na nakatakip sa sliding door ko, iwas kahihiyan din.
Biglang nagring ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito at may tumatawag na unregistered number. Tiningnan ko muna si Gab na tinataas ang cellphone niya saka ko nagets ito kaya sinagot ko ang tawag.
"H-Hello..."
"Oh! Bat nauutal ka diyan? Nagulat ka ba?"
"Ewan ko sayo."
"Bakit? Anong ginawa ko ha?" natatawang sabi niya.
"Argh! Nakakainis!"
"Wag kang mag-alala, wala akong pahsasabihan kung gaano ka kagaling at humataw sumayaw." sabi niya at muling tumawa.
Binabaan ko na siya ng cellphone at kitang-kita ko parin na tumatawa siya. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ganon kagaling sumayaw. Sumasayaw-sayaw naman talaga ako lalo nat bored na bored ako tas alam niyo yung feeling nagcoconcert,suklay ko ang ginagamit kong microphone at tumatalon talon pa ako sa kama ko. Hayst!
Inirapan ko muna siya saka ako pumasok sa kwarto ko at tinanggal ang tali sa kurtina ng sliding door ko para hindi na niya ako makita at saka nagring ulit yung cellphone ko.
"Ano na naman? Mang-aasar ka na naman eh."
"Hahaha! Talagang tinanggal mo na ang tali ng kurtina mo ha."
"Alam mo, kung mang-aasar ka lang naman ay mas mabuti pang hindi ko nalang sinagot tong tawag mo."
"Teka lang! Nagjojoke lang ako eh. Ito naman hindi na mabiro."
"Ano ba kasi ang kailangan mo?"
"Wala lang, bored ako eh."
"Ano naman ngayon kung bored ka?"
"Sungit mo naman. Matutulog ka na ba?"
"Oo sana."
"Ganun ba, oh sige matulog kana. Good night... Shai."
First time kong narinig ko siyang tinawag ang pangalan ko kaya natigilan ako.
"Hello, Shai."
"A-Ahm, s-sige good night din G-Gab." sabi ko saka binaba ang cellphone ko. Pagtingin ko sa salamin ay kitang kita ang ang pisngi ko na namumula.
Argh! What the hell is happening to me?
~~~~~
Time check
10:15
Hindi parin ako makatulog. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatunganga. Hindi parin mawala sa utak ko at sa tenga ko kung paano niya sinabi ang pangalan ko.
Nagulat ako nang biglang nagring ang cellphone ko.
Gab's calling
Nagtaka ako kung bat tumawag na naman tong isang to.
"Ano? Natutulog na ako eh."
"Wag mo kong lokohin Shai, alam kong pinapatay mo ang ilaw pag natutulog ka na and sa ngayong ay hindi pa patay ang ilaw mo so hindi ka natutulog."
Stalker ko ata tong lalaking to eh.
"Grabe ka, daig mo pa stalker ko ah."
"Hahaha! Kapal ah."
"Ewan ko sayo. Ano na naman kailangan mo? Inaantok na ako."
"Dadaanan kita bukas diyan sa inyo. Sabay tayong pumunta sa school."
"Yoko nga. Baka ano na naman isipan nila mama."
"Actually nagpaalam na ako sa mama at kuya mo then pumayag sila so no choice ka."
"Bahala ka." sabi ko saka binaba na ang cellphone ko
At dahil dinalaw naman na ako ng antok ay mabilis na akong nakatulog.
~~~ TO BE CONTINUED ~~~
YOU ARE READING
I Love You until Eternity
FanfictionShaianah Isabella Cortez, a scholar and a transferee student. A non-so-rich girl who met the most suplado Twotown.