Icy Note: Hi readersssssss. Ay HAHAHAHAHA, kung may readers nga ba ako. Sorry kung natagalan ako mag update, exam kasi namin kaya medyo naging busy ako hehehehe. So yeah, enjoy reading and please don't forget to vote.
~~~~~~~~
Shaianah's POV
"Shai..." rinig kong may tumawag sakin kaya nilingon ko ito.
"Kuya! Ginagawa mo dito?" tanong ko kay kuya na siyang tumawag sakin at gulo-gulo pa ang buhok. Anyare dito?
"Gusto ko lang kamustahin ang baby ko." sagot niya saka ngumiti na nakakainis.
"Kuya! Ano ba, pumunta ka ba dito para mang-asar? Ha? Atsaka bat ba ang gulo-gulo nang buhok mo?" bulong ko kay kuya dahil pinagtitinginan na din kami ng mga estudyante,ay si kuya lang pala.
"Sus, ang baby ko hindi pa nasanay. Alam mo namang gwapo tong kuya mo kaya ayon, kinuyog ako ng mga kababaihan bago ako makapasok dito." sabi niya sakin saka kumindat.
"Gago! Umalis ka na nga dito kuya, ayos lang ako, okay? Kaya umalis kana." sagot ko sakaniya at ang gago ay tumawa lang at kumindat pa saka umalis.
Pag-alis ni kuya ay bumalik na ako sa may bench kung saan kami nakaupo at nakita ko si Francis na parang binigyan ako ng
who-is-that-handsome-guy-
look?."Sino yun Shai? Ang pogi niya in fairness ah." sabi niya sakin na parang nag hugis puso yung mata niya habang nakatingin kay kuya na naglalakad palayo.
"Psh! Yun? Gwapo? Saang banda teh? Bulag ka na ata eh." sagot ko sakaniya saka umirap
"Sino ba kasi yun gurl? Init ata ng dugo mo sa poging yun ah?" tanong niya sakin saka sinundot sundot ang tagiliran ko.
"Tigilan mo nga yan. Kapatid ko yun, okay?" sagot ko sakaniya dahilan para mas lumaki ang mata niya.
"I knew it. Kaya pala magkamukha kayo!"
"Oh yeah! Wag na nga natin pag-usapan yun." sabi ko sakaniya kaya nag change topic nalang kami.
Habang nagkekwentuhan kami ay may dalawang babaeng lunapit samin na naka cross arms pa kaya liningon ko sila.
"Well, well, well! Newbie right?" sabi nung babaeng maputi, medyo singkit, at straight na blonde yung buhok.
Ako ata tinatanong nito eh. Sakin kasi siya nakatingin so ako ata talaga ang tinatanong nito.
"Yes!" sagot ko sakaniya.
"So you're the newbie here na nilalandi yung poging lalaki kanina." Aniya.
0_0 <----- ako yan
"So now your wondering. Akala mo hindi ko nakita, noh? Psh! Know your limitation, newbie." sabi niya sakin saka siya umalis.
Unbelievable. Alam ba nang babaeng yun ang pinagsasasabi niya? Maganda sana kaso ang panget naman ng ugali.
"Sino yun sila? Anong problema nung mga yun sakin?" tanong ko kay Francis.
"Rollyn Lozier and Krizzel. Si Rollyn ang queen bee sa school nato at yung isa naman ay ang best friend niya. Wag mo nalang sila pansinin, ganun talaga yung mga yun pag nakakita ng mga gwapo. Inaangkin nila kaagad." sagot niya sakin at sakto namang nagsidatinganang mga kaklase namin.
" Gathered around guys. " sabi nung lalaki na feeling ko siya ang couch namin. Sumunod naman kami sakanya at saka siya nagsalita muli.
" Alam niyo naman siguro na volleyball ang lalaruin natin ngayon diba?" tanong niya samin.
"Yes couch."
Kahit papano naman ay marunong marunong ako maglaro ng volleyball kasi sa dating school na pinapasukan ko ay isa ang varsity player ng volleyball. Without further explanations ay nagsimula na kami sa paglaro. Nasa iisang team kami ni Francis at ang nasa kabilang team naman ay yung 'queen bee' kuno na si---ano nga pangalan nun? Relon? Relan? Rolan? Ah basta yung reyna ng mga bubuyog daw ng school nato. Grabe ang sama ng tinginniya sakin ah. Siguro kung nakakamatay ang tingin nakabulagta na ako dito.
Fast forward - - - >
Nanalo kami sa laro kaya mas lalong sumama ang tingin sakin nung bubuyog.
"Oy teh, galing mo pala maglaro ng volleyball." sabi sakin ni Francis habang naglalakad kami papuntang shower room para makapag shower.
"Volleyball player kasi ako sa dati kong school kaya medyo maalam ako."
"Luh! MEDYO maalam? Talaga lang teh ah. Pa humble ang peg?" Aniya.
Hindi ko nalang siya sinagot at tinawanan ko nalang siya. Nang makapasok kami sa shower room ay kami palang dalawa ang nandito.
"Hala! Nasan yung towel ko?" sabi niya saka hinalungkat ang bag niya.
"Ay tanga! Iniwan ko pala sa locker ko. Maiwan muna kita dito ah, kukunin ko lang towel ko. Babalik din ako kaagad." Paalam niya sakin saka mabilis na tumakbo palabas ng shower room.
Nang makalabas si Francis ay nagsimula na akong maghubad at saka naligo. Maya-maya ay natapos na ako at nagpunas saka tinakpan ang katawan ko ng towel. Nakapagsuot na ako ng bra at underwear ng namatay ang ilaw sa luob ng shower room. Tinakpan ko ulit ang katawan ko ng towel saka lumabas sa cubicle. Sa isip ko naman ay baka prinank lang ako ni Francis kaya nagsalita ako...
"Francis, tigilan mo nga tong kalokohan mo. Hindi nakakatuwa ah." sabi ko saka naglakad ng dahan-dahan papunta sa bag ko para kunin ang cellphone ko pero wala duon ang bag ko. Kaya naglakad na naman ako ng dahan-dahan hanggang sa umabot ako sa may pintuan
"Francis, ano ba. Hindi na ako natutuwa." sabi ko ulit saka pinihit ang doorknob pero nakalock ito.
Sumisigaw na ako ng tulong sabay palo sa pintuan. Naiiyak na talaga ako dahil takot ako sa dilim.
"T-Tulong!" sigaw ko ulit at hindi ko na napigilan ang luha ko at napa-upo nalang ako sa sahig.
~~~~~
Ilang oras na akong naka-upo sa sahig at ginaw na ginaw na ako. Hindi pa ako nakapagbihis dahil nawala nga ang bag ko na nandun ang damit ko pampalit. Nararamdaman ko na namamaga na talaga ang mata ko sa kakaiyak.
Hanggang sa may narinig akong naglalakad sa labas kaya sumigaw na naman ako ng tulong.
"T-TULONG, PLEASE. TULUNGAN NIYO AKO." sigaw ko at feeling ko ay narinig naman nung tao na nasa labas dahil nakikita ko naman ang anina niya sa baba ng pintuan.
Bigla naman may pumihit sa pintuan at bumukas ito. Pagbukas ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at yumakap sa taong nagbukas at hindi ko na naman napigilan ang luha ko at nagsilabasan sila sa mga mata ko. Wala na akong pakialam kung sino tung kayakap ko basta ang mahalaga ay nakalabas na ako dun.
"M-Miss, are okay?" tanong niya sakin kaya humiwalay na ako sakanya.
"T-Thank you! Ilang oras na ako nakulong diyan sa shower room, akala ko hindi na ako makakalabas kaya thank you talaga." sabi ko sakanya saka suminghot singhot pa.
"A-Ahm!..." sabi niya na parang hindi siya mapakali.
"A-Ahm! M-Miss, mas mabuti pa siguro kung magbihis ka m-muna." sabi niya na hindi makatingin sakin ng diritso saka lang nagsink-in sa utak ko na nakatowel pa pala ako.
PAANO AKO UUWI NITO? EH NAWALA NGA ANG BAG KO? PATI ANG DAMIT NA PAMPALIT KO?
"Shit! Oo nga pala. Wala akong pampalit eh. Feeling ko may kumuha ng bag ko eh." sabi ko sakanya at talagang nafufrustate na ako.
YOU ARE READING
I Love You until Eternity
FanfictionShaianah Isabella Cortez, a scholar and a transferee student. A non-so-rich girl who met the most suplado Twotown.