"Gumawa ka naman ng kapaki-pakinabang kaysa sa pagbabasa mo!"
"Ang tamad mo!"
"Bakit ba ganyan ka? Sana hindi ka na lang nabuhay!"
Mga katagang madalas kong maalala. Nakakasawa na. Nakakasawa na laging ipinamumukha sa akin kung gaano ako kawalang kuwenta sa mundong ito.
"Jane!!!" sabi ng kung sino at nakita ko naman ang kaibigan kong si Hailey.
"Lalim ata ng iniisip mo ah! Hahaha" tawa nya kaya ngumiti na lng ako. May sasabihin pa sana siya ng biglang dumating ang teacher namin.
...................
Natapos na ang klase kaya umuwi na ako. Nadatnan ko namang nasa bahay si papa at mukhang nakainom na naman. Dahan-dahan akong naglakad, hinihiling na hindi nya mapansin.
"Dumating ka na palang pabigat ka!" Gulat akong napalingon kay papa. Nakita ko ang kalupitan sa mga mata nya habang palapit sa akin.
"Ano!? Magmumukmok ka na naman ba sa pagbabasa?!? Sana naghanap ka na lang ng mapagkakakitaan!"
"Bakit pa?! Obligasyon ko ba yan?! Kung tutuusin ikaw dapat naghahanap hindi ako?!" sagot ko sakanya at malakas na sampal ang inabot ko. Napahiga ako dahil sa lakas pero pinilit ko pa ring tumayo at tumakbo papasok ng kuwarto.
Lagi siyang ganyan. Madalas akong pumasok na may pasa dahil sakanya. Pagbabasa ko ay mistula pang isang kasalanan sakanya. Nagbabasa ako para takasan ang mundong ito, itong mapait na katotohanan na mayroon ako.
Ayaw ko na....pagod na ako....hindi ko na kaya ang ganitong buhay....
............................................
"Huh? Ano toh?" Nakita ni Hailey ang isang papel sa bag nya. Binuksan nya ito at binasa. Agad tumulo ang kanyang mga luha. Napatakbo siya palabas ng kanilang bahay at tinungo ang tahanan nila Jane. D nya alintana ang dilim na pumapaligid sakanya. Kumatok sya sa bahay ngunit walang sumagot kaya napilitan siyang buksan ito. Tumakbo sya sa kuwarto ni Jane......
....................................................
"Akala ko masaya ka. Lagi kang andyan para makinig ng aking mga problema pero yun pala, ikaw pa itong mas nangangailangan ng tagapakinig kaysa sa iba." hagulgol ni Hailey sa libing nito.
Fiction only. Please don't copy my work.
~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~
BINABASA MO ANG
Random Stories
Short StorySo... These are the stories that I made on my fb acc dedicated to all Amaris. My stories are gonna be posted first in fb than here. Luv y'all my beloved Amaris'🌕❤