~AYIIIEEE!!!~
"Ayiiieee Ryzel!"
"Yiieee!!!" - mga kaklaseTiningnan ko lang siyang sumigaw nun. Geh tumawa ka lang onti na lang gigilitan na kita sa leeg *glare*. Biglang dumating si mam at natigil ang pang-aasar. Leche kasi! Konting kibot may name combination agad amp. Inabot lang sakin ni Ryan yung nahulog kong ballpen may issue agad. Medyo nabadtrip din si Ryan kasi may sapak sa ulo yung tropa nya.
~~~~~~~~~
UWIAN"Hazel!!!"
Nag-init na naman dugo ko nang marinig ko ang boses nya.
"Ano na naman ba Jake?!?! Wala naman akong kasamang lalaki na iaasar mo sakin ha?!?!!" gigil kong sigaw sakanya.
Lintek naman na buhay toh oh!!! D nya ba ako titigilan?!?!
"Ano ka ba? May sasabihin lang ako sayo. Ano kas--"
"Uy oh!!! JAZEL!!! YIIEEEE!!!!" -Mga tropa ni Jake
"Ano ba?!?! Ano bang problema nyo mga gunggong kayo?!?! Nananahimik yung tao eh!!! Tsaka kung iniisip niyong gusto ko tong lalaki na toh, pwes nagkakamali kayo dahil kung kaming dalawa nalang ang matirang tao sa mundo, magpapakamatay na lang ako kaysa makasama ko tong hinayupak na toh!!!" sigaw ko. Tiningnan ko ang mata ni Jake at napansin kong parang nawala ang kislap nito na laging meron siya tuwing inaasar ako. Nilayasan ko silang lahat at umuwi na.
Salamat naman at weekend na. Hindi ko makikita ang mga pagmumukha ng mga unggoy na yun.
~~~~~~~~~~
Dumating ang lunes at parang pinagsakluban na naman ng langit at lupa ang mukha ko dahil makikita ko na naman ang mukha ng mga unggoy na yun. Pumasok ako ng classroom at nagtatakang wala sila doon. Hmm... Baka late lang dahil sabay-sabay sila lagi pumasok.Lumipas ang maghapon at wala talagang dumating na ni isa sa mga unggoy. Oo nakakapanibago dahil hindi naman umaabsent ang mga yon. Medyo nag-aalala lang rin ako kay J-- hindi! hindi! Joke lang yun oy!😂
Nagpunta ako sa locker ko. Napansin ko naman na puro gasgas ang suksukan ng susi nito. Sht!!! Baka may nagnakaw ng gamit ko!!!
Binuksan ko kaagad at bumungad sa akin ang kulay pulang kahon. May nakasulat sa ibabaw nito na "Para kay Hazel" kaya napakunot ang noo ko. Binuksan ko ito at tumambad ang mga papel na puro sulat. Nakita ko naman si Ryan na naglalakad palayo kaya hinabol ko ito.
"Bat hindi ka pumasok? Ay oo nga pala! Nakita mo ba kung sino naglagay nito doon?" Tanong ko sakanya at napansin na medyo gulat ito. Puro itim ang suot nya at nakacivilian. Medyo mamula-mula din ang mata.
"Ako naglagay nyan doon", sabi nya at nagulat naman ako doon.
"Basahin mo kahit isa lang dyan sa mga sulat", sabi nya na sinunod ko naman. Gulat akong tumingin sakanya.
"Ryan, pasensya na p-pero--"
"Hindi ako ang nagsulat ng mga love letters na yan kundi si Jake. Sa kahon na yan nya mismo nilalagay ang mga sulat na yan. Tsaka bat hindi kami pumasok magkakatropa? Pumunta kaming libing. Libing ni Jake na nagpakamatay dahil ayaw sakanya ng babaeng mahal nya"
Tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi totoo yun. G-gusto ko s-sya! Hindi ko lang pinapahalata dahil natatakot ako. Natatakot akong hindi nya din ako gusto.
~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~
BINABASA MO ANG
Random Stories
Historia CortaSo... These are the stories that I made on my fb acc dedicated to all Amaris. My stories are gonna be posted first in fb than here. Luv y'all my beloved Amaris'🌕❤