Love Pretend

0 0 0
                                    

I don't know if you will like this but this is the plot that formed in my mind. Requested by Ayen Writes. Anyways... I'm so sorry if you don't like it. I'm not really that confident to show anyone what i write not until now.
~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Love Pretend"

Habang pababa ako ng sasakyan ay tanaw ko na sya sa harapan ng mall. Ang napakaamong mukha ng boyfriend ko. Nakangiti lamang ito habang palapit ako. Niyakap ko naman sya ng mahigpit. 

"Sorry for being late cuddle bear", sabi ko sabay pout. Hinalikan nya naman ako. He is so sweet.

"It's okay care bear. It's better to be late than never, right? Tara, kain na muna tayo", aabi nya habang nakangiti at pumasok na kami sa loob. May nakita naman kaming sikat na restaurant at pumasok. Nag-order na kami ng pagkain at nag-aantay na lamang iserve ito. Tumunog naman ang cellphone nya at agad tumayo.

"Sagutin ko muna toh. Balik din ako agad", sabi nya sakin sabay halik ng mabilis sa pisngi ko. Nakangiti lamang akong pinagmamasdan sya palayo.

~~~~~~~~~~

"Cuddle bear, ingat sa pag uwi ah? "

"Opo Care bear ko", sabi nya at ibinigay na ang susi ng kotse ko. Inihatid nya lang ako dto sa bahay. Ang sweet noh?

Nagpaalam na ako sakanya at pumasok na sa loob ng bahay. Umakyat naman ako papuntang kwarto para magbanlaw.

~~~~~~~~~~~~

"What's this Dianne?!?!" sigaw sakin ni papa at napayuko na lang ako. Ito ang salubong sakin ni papa pagkababa ko pagkatapos magbanlaw.

"You've been partying every time your mom and i aren't home! No wonder you've been failing your class!" sigaw nya pa ulit.

"Dati naman consistent honor student ka ah! Napakalaki ng ipinagbago mo! Alam mo bang nagiging pabigat ka lang ng pamilya? Hindi mo man lang naisip na nagpapakahirap kami para magkaroon ka ng magandang future tapos ikaw tong dirediretso sa maling daan?!" sigaw nya pa.

"Mananahimik ka na lang dyan?! Nagrerebelde ka na sa-- hoy! Kinakausap pa kita!" sabi nya pero agad ko na siyang tinalikuran at lumabas ng bahay.

Pumasok ako ng sasakyan ko at nagtungo sa park. Wala nang tao dto gawa ng gabing gabi na at puro ilaw lang ang nakikita kong nakapaligid sakin. Umupo naman ako sa isang bench at nakatingin lang sa kawalan. May mas lalala pa ba dto? Galit na galit sakin si papa, baka i-cut pa ang allowance ko at bawiin ang kotse ko.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko at naisipang tawagan sya. Kailangan ko ng kausap sa ganitong mga sitwasyon.

"The number you have dialled is bus--" d ko na pinatapos ito at pinatay agad at tinawagan ko sya ng tinawagan.

"Tiger, aren't you going to answer that?" rinig kong boses ng babae sa di kalayuan.

"Nah. Let's just continue" rinig ko sa isang pamilyar na boses. Nakita ko namang kakaupo lang nila sa hindi kalayuang bench at naghalikan doon. Naluha na lamang ako sa nakita. Bakit? Bakit sa akin pa nangyari ang mga ito?

Lumapit ako sakanila at hinila sya palayo. Agad ko naman syang sinampal at gulat na gulat syang napatingin sakin.

"Care bear?"

Sinampal ko lang sya ulit at umalis na. Dirediretso akong bumalik ng sasakyan at nagmaneho paalis. Bakit ba kailang magkandaleche-leche ang buhay ko? Napagalitan na nga ako ni papa tapos ito pa nangyare! I thought he loves me! Akala ko talaga... Marami nga talagang namamatay sa maling akala. Napakagaling nyang umarte ah! His love.... I thought it was real but it was all just love pretend.

~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~

Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon