This is dedicated for all Amaris'🌕❤
~~~~~~~~~~~~~~~
"Dusk till dawn"
"Ms. Aldaine, you have been diagnosed with Hypertension"
~~~~~~~~~~~~~
Papasok na ako ng bahay ng maabutan ko syang nakaupo sa sofa na may dalang gitara. Ngumiti naman ako sakanya na parang walang nalaman kanina. Para sa akin hindi naman ganun kalala yun eh pero baka mag-alala sya ng sobra.
"Lin-lin, kunin mo na gitara mo ng makalabas pa tayo", sabi nya na agad ko namang sinunod.
Umakyat na ako sa kwarto para kunin ang gitara. Bumaba naman agad ako at nakitang nakangiti na naman sya sakin. Masaya ako tuwing nakikita ang ngiti nya pero nasasaktan din ako dahil kuya-kuyahan ko sya at may gusto ako sakanya. Ang tagal ko nang tinatago yun dahil sa takot kong layuan nya ako.
"Hello? Earth to Caroline~" sabi nya at nabalik naman ako sa kasalukuyan. Why do I let my thoughts take over me like that?
"Ay! Sorry kuya Mond", nahihiyang paumanhin ko sakanya. Ginulo nya lang ang buhok ko at umayos na ng upo.
"Simula na tayo?" tanong nya kaya tumango naman ako. Sakanya ako nagpapaturo lagi maggitara tuwing free ako. Nagpapaturo ako ngayon ng Dusk till dawn. Para sa akin ay napaka romantic ng kanta na yun at ng magpaturo ako sakanya ay d naman sya nagtanong.
~~~~~~~~~~~~~~~
Naglalakad lang kami ngayon sa may park habang kumakain ng ice cream. Ayaw pa nga nya ako payagan nung una dahil kakatapos ko lang kumanta nung tinuturuan nya ako maggitara pero hindi nya ako napigilan😝
Umupo naman kami sa isang bench. Hindi ko alam kung totoo ba yung napansin ko pero parang ang lungkot nya. Nakatingin lang kami sa langit ng hawakan nya yung kamay ko.
"Lin-lin.... kapag ba nawala ako, makakalimutan mo ba ako?" tanong nya at seryosong tumitig sa mga mata ko.
"S-syempre hindi! Bakit naman kita kakalimutan noh? Tsaka bat ka nagsasalita ng ganyan?" hindi ko naiwasang mautal dahil masyadong seryoso ang mga mata nya tsaka bat nya ba tinatanong yan. Bakit ko sya kakalimutan eh....may gusto ako sakanya.
Ngumiti naman sya pero kita ko pa rin ang lungkot sa mata nya.
"Tandaan mo Caroline...kahit mawala ako sa tabi mo, andyan pa rin ako at gagabayan kita"
Medyo kinabahan ako sa sinabi nya dahil sinasabi nya lang naman pangalan ko tuwing seryoso sya. Niyakap ko na lang sya dahil baka may problema lang sya.
"Tara! Iuwi na kita sa bahay nyo at malapit na dumilim", sabi nya na parang wala lang yung sinabi nya kanina. Hinatid nya na ako sa bahay at muling nagpaalam. Sa pamamaalam na iyon ay may halong kaba akong nadarama.
~~~~~~~~~~
"Kuya~" tawag ko sa tapat ng bahay nila.
Hindi kasi sya nagpunta sa bahay kaya nag-aalala ako. Pinihit ko naman ang doorknob at nagulat na bukas ito. Nagtungo naman ako sa kwarto nya at naabutang nakahiga sya doon na medyo mamutla-mutla.
"Richmond!" sigaw ko at agad lumapit sakanya. Medyo nahihirapan syang huminga kaya agad naman akong tumawag ng ambulansya.
~~~~~~~~~~~~
Nandito ako sa labas kasama ang kapatid nyang lalaki. Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang nila kaya kapatid nya lang naandito. Agad naman kaming napatayo ng lumabas ang doctor.
"Kamusta po lagay ng kapatid ko, doc?" tanong agad ng kapatid ni kuya. Napansin ko naman ang pagdadalawang isip ng doctor.
"I'm... sorry but.. He didn't make it. The hole in his heart caused complications. I'm sorry....."
Nabingi ako sa sinagot ng doctor. Totoo ba toh? H-hindi ko man lang nasabi sakanya ang nararamdaman ko! Bakit?!!? Hindi ko na naiwasang mapahagulgol sa nangyari.
Pumasok kami ng kapatid nya at nakita ang isang puting tela. Lumapit naman agad ako at tinanggal ito. Napahikbi uli ako ng makita ko ang mukha nya. Bakit pa kailangan toh mangyari sakanya?!?!
"Bakit? Hindi ko man lang nasabi sayo na... mahal na kita.. "
Hindi ko na alam ang nangyari basta ang alam ko lang ay natumba ako bigla.
~~~~~~~~~~~~
"Her blood pressure is too high!"
Rinig kong nagkakagulo ang nasa paligid ko. Hirap na hirap akong huminga. Hindi ko pa rin makalimutan ang sakit.
"🎶I'll hold you when things go wrong
I'll be with you from dusk till dawn
I'll be with you from dusk till dawn
Baby, I'm right here🎶"Nakita ko ang imahe ng kanyang mukha habang kumakanta. Napaluha uli ako sa nakita.
~~~~~~~~~~~~
"Time of death: 6:28pm"
~~~~~~~~~~~~
Napamulat ako at nakita na puti ang paligid
"Lin-lin..."
Napalingon ako at napaluha sa nakita. Agad ko syang niyakap.
"Bat ba sobrang lungkot mo? Ayan tuloy kasama na kita dto" nakangiti pero medyo natatawang sabi nya.
"Kuya naman ehh.."
"Pero Caroline.... Gusto ko sanang malaman mo na... Mahal rin kita. Nakita kita kanina kung gaano ka kalungkot at narinig ko rin mga sinabi mo" sabi nya kaya napatitig ako sa mga mata nya.
"🎶But you'll never be alone
I'll be with you from dusk till dawn
I'll be with you from dusk till dawn
Baby, I'm right here🎶" kanta nya na ikinangiti ko at niyakap sya.Kahit wala na kami sa mundong ginagalawan namin noon, masaya pa rin ako dahil nalaman kong mahal nya rin ako.
~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~
BINABASA MO ANG
Random Stories
Short StorySo... These are the stories that I made on my fb acc dedicated to all Amaris. My stories are gonna be posted first in fb than here. Luv y'all my beloved Amaris'🌕❤