Sumakay ako ng jeep papuntang SM. Kakalabas ko lang ng school at kailangan bumili ng mga gamit para sa project kaya papunta ako ngayon sa SM.
Napalingon naman ako sa bukana ng jeep at nakitang pumasok ang lalaki. Shemaaayyy!!!! Kuya siya ng classmate ko >~<
Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako ng umupo sya sa tabi ko. Paano ako d kakabahan? Narinig nya akong kumakanta dati sa hallway >~<
flashback...
"🎶🎶So when I'm all choked up
But I can't find the words
Every time we say goodbye
Baby, it hurts
When the sun goes down
And the band won't play
I'll always remember us--"Napahinto ako ng pagliko ko ng hallway dahil nakita ko sya doon na nakatayo lang. Tiningnan nya pa ako nun. Kanina pa ba sya? >.<
Gulat na gulat naman ako nun at agad na bumaba ng hagdan dahil nasa 2nd floor ako. Pakshet lang talagaaaa!!!
end of flashback...
Pinipilit kong hindi intindihin ang katabi ko pero hindi ko kaya. Oo na! Ako na mahiyain pagdating sa boses ko pero nakakahiya lang rin talaga lalo na at sa school din namin sya nag-aaral. Ahead lang sya ng 1 year for pete's sake!
"Bayad po! Sa SM po isa" sabi ko naman at kinuha nya naman ito at inabot. Ang lambot ng kamay nya tinalo pa akoooo!!! Oo na!! Ako na may krusx dto okay?
Inaantok na ako kaya pumikit na lang ako habang yakap ang backpack ko. Pagod na ako eh pero kailangan ko na talaga bumili ng materials. Mga nasa isang oras pa naman bago makarating kaya iidlip muna ako.
His POV
Napatingin ako sa katabi ko at nakitang nakapikit ang katabi ko. Hindi ko pa rin makalimutan nung narinig ko siyang kumanta sa hallway. Naaalala ko pa nung nakaraang nakausap ko yung kapatid ko.
flashback.....
"Kaklase mo pala yun", sabi ko kay Jamie, kapatid ko.
"Ay oo kuya! Si Jaycee yun. Bakit?" tanong naman nya.
"Wala naman", tipid na sagot ko pero nakita ko ang mapang asar na tingin nya. Tss... Hindi ko na lang sya pinansin.
"Jam, balik na ako ng classroom. Malapit na matapos breaktime paalam ko sakanya.
end of flashback.....
Doon ko nalaman ang pangalan nya. Medyo unexpected din talaga nung narinig ko syang kumakanta sa hallway.
Naramdaman ko naman na parang may dumagan sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita kong natutulog na si Jaycee at nakasandal ang ulo nya sa balikat ko.
Naramdaman ko namang nag-init ang mukha ko. Aminado akong naging interesado ako sakanya nung narinig ko syang kumanta. Magaling sya sa totoo lang.
Inayos ko naman ang pagkakasandal ng ulo nya, iniingatang huwag magising sa paggalaw ko.
~~~~~~~~~~~~
Jaycee's Pov
Naramdaman ko ang pagyugyog sa akin kaya nagising naman ako. Gulat naman ako ng makitang si kuya James pala nanggigising sa akin. Nalaman ko pangalan nya dahil sa kapatid nya oki?
"Sa SM ka dba?"
"O-opo", hindi ko naman maiwasang mautal knowing na nakatulog pala akong nakasandal sakanya. Kahiya meennn!!!
"Malapit na yung SM kaya ginising kita", sabi nya.
"Salamat po"
"Wag kang mag po at nagmumukha akong matanda😂James na lang", sabi nya at napatitig naman ako. Ang wafu nya tumawa par.
Malapit na SM kaya nagpaalam na ako sakanya.
"Malapit na ako bumaba, s-salamat uli ah.. ", ngiting sabi ko sakanya.
"Walang anuman😊", sabi nya at ginulo ang buhok ko.
Pumara na ako at hindi maiwasang kiligin. Hihihi--
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Gumising ka na aba! Papasok ka pa ng eskwelahan! Nako nako nako!!!" pagbulahaw sa akin ng kung sino. Nakita ko naman ang aking nanay na lumabas na ng kwarto pagkatapos ko magising. PANAGINIP LANG PALA YUN💔😭
~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~
BINABASA MO ANG
Random Stories
Short StorySo... These are the stories that I made on my fb acc dedicated to all Amaris. My stories are gonna be posted first in fb than here. Luv y'all my beloved Amaris'🌕❤