Kapag ang Badgirl Nainlove

1 0 0
                                    

This is dedicated for: Ayen Writes I hope you'll like it💕 (2main characters' names are provided by Ayen💕)

~~~~~~~~~~~~~~~

"Kapag ang Bad Girl Nainlove"

"Aray!" sigaw ko. Leche naman kasi! Sino bang tukmol ang nagbato sakin ng bola na yun?

Nakita ko naman siya na papalapit sakin at may nginunguya pang bubblegum. Tsk! Nathalie again?! Ack!!!

"Oh! Sorry about that sweetheart", sabi nito habang nakangisi. Tinalikuran ko na siya para dumiretso na ng klase.

Lecheng Montemayor yon! Mukhang sinadya amp! Sakit kaya sa ulo. 😒

Nagmamadali naman akong naglalakad dahil late na ako. Nagkataon pang terror yung prof namin ngayon nyeta! Pagbukas ng pinto ay sumalubong sakin ang halos magkadikit na kilay ni prof.

"Mr. Leon, why are you late?" tanong nya sakin.

"I went to the restroom Mam. I'm sorry I'm late", paumanhin ko na lamang.

"Went to the restroom huh? You should've go when it is still break time! My class here is after your break! You'll have detention by the end of the day", sabi nya at napilitan naman akong kunin ang detention slip.

Umupo na ako at sakto namang dumating si Montemayor. Tsk! Lumapit lang sya kay mam at hiningi agad ang detention slip. Suki sya doon kaya hindi na kailangan sermonan.

Umupo naman sya sa tabi ko. Ramdam ko ang titig nya sakin pero hindi ko na lang pinansin. Alam kong walang kasense-sense kausap ang babae na yan pagdating sa pag-aaral.

~~~~~~~~ 

Dumating ang 2nd break kaya nagtungo na ako sa locker ko. Pagbukas ay sumalubong na naman ang ilang mga love letter.

Lagi ako nakakatanggap ng mga ganito at binabasa ko rin naman kung kakaunti lang pero kung marami, hindi ko agad binabasa.

Hindi ako katulad ng iba na itinatapon ang mga ganito kasi pinaghirapan din naman ito ng mga nagbigay. I appreciate their effort pero wala naman akong balak makipagrelasyon until I graduate.

Kinuha ko na lang ito at naisipang basahin mamaya.

"King!" tawag sa akin ng hinayupak. Nilingon ko naman ito at nakita si Aiden.

"Ano yun?" kunot noong tanong ko.

"Eh may napagtripan na naman si Nathalie eh! Si Denise!" sigaw nya na ikinalaki ng mata ko. Ano na naman pumasok sa kokote ni Nathalie? Talagang yung kaibigan pa namin ah!

Tumakbo agad kami ni Aiden at nakarating sa school grounds. Nakita namin si Denise na mukhang naligo sa pintura at nakatali pa sa iaang puno. Madaming nagkukumpulan na mga studyante at nagbubulungan habang nakatingin sakanya. Mga walang puso amp! Wala man lang tumulong sakanya!

Agad kaming lumapit at kinalas sya sa pagkakatali. Iyak lang sya ng iyak ng dinala namin sya sa clinic.

"Denise, bakit ka ba pinagtripan ni Nathalie?" tanong ni Aiden.

"Wala. Wala pang yun",  sagot naman nya.

"Denise..." nagbabantang salita ni Aiden.

"Hayaan mo na Aiden. Sasabihin nya naman yan kung gusto nya. May dahilan sya sa pananahimik nya kaya hayaan na natin", litanya ko naman ng matapos na toh si Aiden kakatanong kay Denise. Nag-aalala lang naman yan dahil may gusto sya kay Denise😂 (sshhh!!😂)

Napabuntong hininga na lang si Aiden at nanahimik. Agad na din kaming umalis at iniwan si Denise doon para makapagpahinga gawa ng may mga pasa din pala sya.

~~~~~~~~~~~~

Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad papuntang detention.

Nakakaasar talaga lalo na at nandoon din si Nathalie. Medyo galit din ako sakanya dahil sa ginawa nya kay Denise.

Pagdating ay naabutan ko na sya doong nakaupo. Gusto ko rin malaman kung anong dahilan bakit nya ginawa yun kay Denise. Hindi ko lang pinilit si Denise dahil grabe magmatigas yun.

Lumapit ako at umupo sa tabi nya. Napalingon naman sya at ngumiti ng nakakaloko.

"Ano ang iyong rason at ika'y naparirito Mr. Leon?"

"Bakit mo ginawa yun kay Denise?"

"Ohh! Hindi nya sinabi sayo? Ayaw nya atang malaman mo. Hmm..." sabi nya na mas kinainit ng ulo ko.

"Ano ba talaga ang dahilan bakit mo ginawa sakanya yon?" may diin kong tanong sakanya.

Lumapit sya at magkatapat ang tenga ko sa bibig nya. Hindi naman ako natinag sa paglapit nya.

"Well.... Mr. Leon, may gusto sayo si Denise at kasama sya sa mga taong naglalagay ng love letter sa locker mo"

Medyo nagulat naman ako sa sinabi nya. May gusto sakin si Denise? Pero hanggang kaibigan lang tingin ko sakanya.

"Anong kinalaman nun sa ginawa mo?" tanong ko pa rin.

Akala ko ay tulyan nya nang ilalayo ang mukha nya ng nilapit nya uli ito sa mukha ko.

"Well... Nailove ako sayo kaya kawawa ang mga hahadlang sakin para makuha ka. Sabi nga ng iba, Kapag ang bad girl nainlove, magtago ka na. Makakawawa lang ang ibang babae na nagkakagusto din sayo".

~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~

Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon