So yeah.... tagal kong off pero ginawa ko toh kasi di ako maka mub on sa mga katabi ko kanina sa jeep😂😂😂
~~~~~~~~~~"Jeep"
Nakakita kami ng classmate ko kaya sumakay na kami. Dalawa lang kami at galing sa practice. Nang makasakay ay di namin akalain na masikip. Nauna akong makapasok sakanya kaya nakasandal pa ako pero halos wala na siyang upuan at magkatabi kami.
"Ate, sandal ka po", rinig kong sabi ng lalaki. Nakita ko naman na katabi ito ni leader at medyo nag-aadjust. Kahit naka-adjust na siya ay di pa rin makasandal ang classmate ko.
May bumaba naman sa kabilang side kaya lumipat ang classmate ko kaya katabi ko na si kuyang mabait😂ang wafu niya kamo shems tapos ang bango ng pabango nyaaaa!!!
Nagbayad naman kami ni classmate at bigla namang pumara si kuya. Xad :'< umalis na siya :'<
Umusog naman ako at katabi ko na ngayon yung lalaking katabi kanina ni kuyang mabait. Shemay lang ah... Ang wafu den takte!!! Hangbango deeennn!!!
Nakarating kami sa isang college university at may sumakay na dalawang babae. Tiningnan ko naman si kuyang since hindi siya nakatingin at kunwari tumingin ako sa mga babae. Kenekeleg ako potek ang wafu talaga par. Nagsuot na lang ako ng earphones para macontain ko keleg ko takte talaga😂.
Maya-maya, may pumasok uli na lalaki na nag-aaral din sa university na yun. Umupo siya sa tabi ko. Medyo chubby siya pero di ko maipagkakailang ang gwapo niya din. Takte new kruxx💕mas type ko siya kaysa dto sa isang katabi ko. Hano bang nangyayare ngayon?!? Ang gagwapo ng mga nakakatabi ko sa jeep takteee😍
Medyo masikip na sa line namin pero kasya pa siguro ang isa. Magkakatabi kami at pinipigilan kong mangiti. Sa saglit na oras na yun, nakalimutan ko ang existence ni leader sa jeep kaya tinatry ko na ngayon magbehave😂 Bat ba kasi same subdivision kami😂
Umalis na rin si kuyang wafu. Yan tayo eh, dyan kayo magaleng eh, mang-iwan sa ere...chawot leng😂
Tiningnan ko naman si kuyang chubby na wafu. Huhuhu😭patawarin mo ko at ako na ngayon ang mang-iiwan😭Nagulat na lang ako ng lumingon siya sa akin kaya bigla akong tumingin sa ibang direksyon kahit alam kong nakita niya ako. Shocks lang!!! Kahiya!!!
Pumara naman kami ni leader. Huhuhu takte😭 Kung pwede lang di bumaba amp😑
"Oh sige! Tricycle na ako! Ingat ka Shia ah", sabi ng classmate ko at sumakay na sa tricycle.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at tinanggal na ang earphones. Malapit lang naman bahay namin sa Guardhouse kaya nilakad ko na lang.
"A-ate!!!" rinig kong tawag kaya napalingon naman ako. Nakita ko naman si kuyang chub-- wait what?!? Bat siya andto?😳Lumapit siya sa akin at inabot ang isang panyo. Napakunot ang noo ko at kinapa ang bulsa ko. Wala nga yung panyo ko.
"Miss, naiwan mo pala", sabi niya with matching kamot sa batok. Kyutiie💕
"A-ah Salamat. Bat andito ka pala? Ayos lang naman kahit d ka na bumaba para ibigay toh", medyo nahihiyang sabi ko😳
"A-ah hindi! Taga dito rin talaga ako😅", sabi niya. Wala na siyang sinabi uli but I'm starting to feel a little awkward.
"Umm.. Salamat pala uli dito ha? Kailangan ko na umuwi eh. Ingat ka", sabi ko at tumalikod na. Sensya na kuya (>.<) kahit ayaw kita iwan eh mas takot ako kila mama aba!
"S-saglit! Ako pala si Jett.Ano pala pangalan mo?" tanong niya kaya napalingon ako.
"Shia", sagot ko sabay ngiti. Ngumiti din siya. Muntik na malaglag panty ko langya~
Kumaway naman kami sa isa't isa at naglakad na ako muli. Kailan ko kaya siya makikita uli😍
~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~
BINABASA MO ANG
Random Stories
Short StorySo... These are the stories that I made on my fb acc dedicated to all Amaris. My stories are gonna be posted first in fb than here. Luv y'all my beloved Amaris'🌕❤