"Kailangan kita Carol. Kailangan ko ng masasandalan dahil sa mga problema ko. Pero bakit wala ka? Hindi ka naman ganyan dati ah! Lagi ka naman nandiyan para makinig sakin dati eh! Ano bang nangyari sayo?! " sigaw ko sakanya.
Malamig na tingin ang ibinigay niya sakin. Naiinis ako dahil ganyan siya. Bigla siyang nagsalita.
"Bakit? Nung ako ba ang nangangailangan ng tagapakinig nandiyan ka ba para sakin? Nandiyan ka ba para pakinggan yung mga problemang dala-dala ko? Hindi naman diba?! Wala ka nang ibang ginawa kundi patahimikin ako kada magsasabi ako sayo! Pinapatahimik mo ko kasi gusto mo sabihin yung mga problema mong napakababaw! Lagi mong binibida sarili mo! Ni hindi mo ako naisipang pakinggan! Anong klase kang kaibigan?!?!"
Nagising ako bigla. Panaginip lang pala. Mali. Isa palang bangungot tungkol sa kaibigan ko. Kaibigan kong ilang araw ng patay dahil sa depresyon.
Fiction only.
~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~
BINABASA MO ANG
Random Stories
Short StorySo... These are the stories that I made on my fb acc dedicated to all Amaris. My stories are gonna be posted first in fb than here. Luv y'all my beloved Amaris'🌕❤