Random #2

3 0 0
                                    

"Ma! Alis na ako!" sabi ni Max sakin.

"Sige! Ingat sa trabaho ah?" sabi ko at hinalikan naman ako nito sa pisngi.

"Ikaw Carla wag magpapasaway kay mommy ah?"

"Opo Daddy"

Napangiti na lang ako sa aking mag-ama. Kumaway muna siya sa amin bago tuluyang lumabas para pumasok sa trabaho. Pansin ko naman ang paglapit ni Carla sa sofa na kinauupuan ko.

"Mommy! Mommy! Puwede ba kayo magkuwento sakin?" tanong nitong anghel ko.

"Sige anak, ano ba gusto mong ikuwento ko?"

"Paano po ba naging kayo ni daddy?"

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa tanong nya.

"A-anak, puwede bang iba na lang?"

"Eh bakit po mommy? Gusto ko pong malaman. Please?"

"Baka mag iba ang trato mo sa daddy mo kapag kinuwento ko."

"Hindi po mommy! Ikuwento nyo na lang po sakin." Tila nabingi ako dahil sa pagpipilit niya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Matalik na magkaibigan kami noon ng daddy mo. Nagkaroon kami ng prom at ako ang niyaya niya. Dahil kaibigan ko siya ay pumayag ako. Sinundo niya pa ako noon sa bahay na may dalang kotse."

"Ay alam ko na mommy! Sa prom nyo umamin si daddy sayo! Yieeeeee!!"

"Hindi. Hindi kami nakarating ng prom noon. Sa sobrang pagtitiwala ko sakanya hindi ko naisip na puwede niya ako gawan ng masama. Naglagay siya ng pampatulog ng hindi ko namalayan. Nagising nalang ako na nakahiga sa kama. Hindi ko iyon kama at may mga dugo pa, tanda ng pagkawala ng aking pagkabirhen. Kinailangan namin maging legal dahil nabuo ka na sa sinapupunan ko. "

Fiction only. Please don't copy my work.

~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~

Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon