Amnesia

0 0 0
                                    

Requested by Eya Godinez😅 sana magustuhan mo. Medyo bothered pa utak ko dahil galit na naman sakin si papa kanina eh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Amnesia"

Naglalakad na ako ngayon papunta sa stage para sa choir practice namin. Hindi ko siya maiwasang maisip. Bakit ba kasi napakaganda ng boses nya?

Pagdating ay muli ko na namang nakita ang maaliwalas nyang mukha. Masaya ako na nakikita kong masaya sya pero masakit din dahil alam kong hindi ako ang dahilan ng kasiyahan nya.

"Oh! Chelsea andyan ka na pala!" rinig kong bungad nya na kaya ngumiti naman ako.

"Hahaha! Kuya Kyle talaga😂kumpleto na ba tayo? Pasensya na kung medyo nalate ako", medyo nahihiyang sabi ko sakanya.

"Hindi! Okay lang Chelsea pero teka, Kuya? Yuck! Hindi naman ako ganun katanda sayo aba! 1 year ahead lang ako sayo. Nagmumukha akong matanda!" sabi nya sabay pout. Nagtawanan naman kaming lahat.

"So masaya na kayo nyan?😐" tanong nya kaya mas lalong lumakas ang tawanan.

"Tama na nga! Simula na tayo!😂" sabi nya at nagpunta na kami sa mga puwesto namin.

Medyo close kami ni Kyle pero minsan parang sobrang layo ko sakanya tuwing nasa choir kasi siya ang choir leader namin. Napakaganda ng boses nya kaya hindi ko maiwasang magkagusto sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~
pagkatapos ng practice....

Nakita ko si Kyle na nag aayos ng gamit. Yayayain ko na sana sya na sabay umuwi ng nakita kong lumapit sya kay Donna.

"Donna, pwede ba kitang ihatid pauwi?" narinig kong tanong nya kaya umalis na ako dahil hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko.

Laging nag oopen sakin si Kyle gawa ng close na kami at kasama sa mga yon ang pagkakagusto nya kay Donna. Oo, mabait si Donna at ang napakahinhin ng mukha. Soprano pa ang boses nya at tenor si Kyle. Samantalang ako, alto. Lagi kong napapansin ang kislap sa mata nya tuwing naririnig kumanta si Donna.

Pagkauwi ay naabutan kong nag iimpake ng gamit si mama.

"Ma, san kayo pupunta?" takang tanong ko.

"Anak, kailangan natin magpunta ng Japan. Ilang araw na lang kaarawan mo na at puwede ka nang turuan sa pagpapatakbo ng negosyo natin", sabi nya na ikinagulat ko.

"Pero ma... paano ang pag-aaral at pagchoir ko dto?" tanong ko sakanya kasi sa totoo lang ayaw kong umalis lalo na at malalayo ako kay Kyle.

"Nandoon na ang papa mo at naienroll ka na. Mag impake ka na din at bukas na ang alis natin", sabi nya at hindi na ako umangal pa.

~~~~~~~~~~~

"Chelsea! Bat andito ka? Gabi na ah!" sabi nya sakin. Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa boses nya. Lumapit sya sa akin at gulat na nakitang umiiyak ako. Naramdaman ko naman ang yakap nya sakin.

"Kyle,*hic* aalis na ako *hic*" sabi ko at humagulgol na.

"Saan ka naman pupunta?"

"Pupunta na ako ng Japan. Kyle, gusto ko lang magpaalam dahil bukas na daw alis namin. Huwag mo kong kakalimutan ah?"

Nakita ko naman na tumulo din ang luha nya at niyakap ako ng mas mahigpit. Gusto ko kiligin kaya lang malungkot ako ngayon!

Kumalas ako sa yakap nya at iniabot ang kuwintas na ipinagawa ko talaga para sakanya. May nakasulat itong pangalan nya. Nagulat naman sya at may inilabas din sa bulsa. Nakita ko naman ang isa ding kuwintas na parehas ng disenyo sa ipinagawa ko pero pangalan ko naman ang nakalagay.

"Huwag mo kong kakalimutan ah?" sabi ko sakanya at isinuot sakanya ang kuwintas.

"Ikaw din. Wag mo akong kalimutan", sabi nya sakin at isinuot din ang kuwintas.

Niyakap ko uli sya at hinalikan ang kanyang pisngi. Bago pa ako makalayo ay nagulat ako ng hilain nya ako pabalik.

"Matagal ko nang alam na gusto mo ako pero kinukompirma ko lang. Pasensya na kung nasasaktan ka tuwing kausap ko si Donna. Plinano namin yon para malaman kung may gusto ka din sakin. Kasi... M-may g-gusto din ako sayo", sabi nya na ikinapula ko.

"Huwag mo akong kalimutan ah? Aantayin pa kita",  sabi nya sakin. Umalis na ako at napaluha na uli.

~~~~~~~~~~~
after 4 years....
Kyle POV

"Uy Kyle!" narinig kong tawag sakin. Nakita ko naman ai Donna na matalik kong kaibigan ilang taon na.

"Hahaha! Ano yun Donna😂?"

"Nakausap ko si Anne! Nakita nya daw si Chelsea! Naandun sa bahay nila!"

Nagulat ako sa sinabi nya at agad napatakbo palabas ng bahay namin. Sinundan naman ako ni Donna at tumakbo papunta sa bahay nila Chelsea. Gulat na gulat ako ng makita ko sya. Nagbago ang itsura nya. Mas lalo syang gumanda at nagdalaga.

"Chelsea!" sigaw ni Donna at napalingon sya sa aming may ngiti sa bibig pero parang may mali nung nakita ko ang mata nya.

"Donna! Namiss kita!!!" sabi nya at niyakap si Donna. Nagtatakang nakatingin naman sakin si Chelsea.

"Sino toh? Boyfriend mo? Ayiieee kaw Donna ah!" sabi nya at gulat na gulat naman kaming nakatingin sakanya.

"Huwag kang magbiro Chelsea. Hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Kyle"

"Hindi eh! Ngayon lang kita nakita sa tanang buhay ko😂😂😂"

"Uhh Chelsea? Pwede ba kaming pumasok?" sabi ni Donna.

"Sige lang. Welcome kayo sa bahay", ngiting sabi nya na mas lalong nagpapasakit ng damdamin ko.

Pagpasok ay naabuta namin doon ang mama nya.

"Tita? Puwede ko po ba kayo makausap?" tanong ko sakanya.

"Oh sige hijo. Ano ba yon?"

"Bakit po hindi ako maalala ni Chelsea? Ano po bang nangyari sakanya?" tanong ko at nanlaki ang mata nya.

"Akala ko ok lang sya. Naaksidente sya nung nasa Japan kami. May posibilidad daw na may selective amnesia. Mukhang ikaw ang nalimutan nya"

B-bakit? Sa lahat ng puwedeng malimutan ay ako pa? Ang tagal ko syang inantay at ito pa ang nangyari sakanya...

~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~

Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon