So yeah... Nakita kong ang daming nagawa ng story about dito pero may ginawa pa rin akong twist😂enjoy😂napakarandom lang nento.
~~~~~~~~~~"Napkin"
WTF?! NAGKAROON AKO NGAYON?!
Agad ko namang binuksan ang medicine cabinet namin kung saan din nakalagay ang mga napkin. Nandilim ang mukha ko sa nakita. T*NGH*N*A GINAMIT NA LAHAT NILA MAMA!!!
flashback...
Ginagawa ko assignment ko....
"BWISET!!! ANG NAPAKA TALAGA NI MAM EH! ANO AKALA NIYA SAMEN?! EMPLEYADO?!? ANG DAMI DAMING PINAPAGAWA AMP! Hindi niya ba alam na nahihirapan kami *hikbi* hirap na hirap na ako! **hagulgol**
end of flashback...
Okay? That's why I had mood swings recently😑.... Aisht! Wala naman akong magagawa kundi bumili. Buti na lang itim shorts ko.
Lumabas naman ako ng bahay at naglakad papunta sa pinakamalapit na tindahan. Pansin ko ang pagtingin sa akin ng mga kapit-bahay. Hindi naman maiwasan yun dahil nalabas lang ako ng bahay kapag papuntang school at naka mask pa lagi. Hindi rin ako mahilig magbibibili at sila mama lang nagpupunta sa tindahan.
"Pabili po!"agad kong tawag. Nakita ko naman ang isang lalaki na pumasok sa tindahan. Halos manlamig ang sistema ko ng marealize ko kung sino yung lalaki. Akmang aalis na sana ako ng...
"Ano sayo?" tanong niya. Sh*t. Ngumiti naman ako ng pilit habang palingon.
"G-goodmorning Sir!" medyo alanganin kong bati sakanya na may kasamang kaway.
"Oh! Ikaw pala yan Caitlin! Taga rito ka rin pala", sabi ni sir na medyo natatawa.
"A-ah opo! Doon lang po ako nakatira", sagot ko naman sabay turo sa bahay namin. Gusto ko na sana umalis dahil nakakahiya talaga kay sir.
"Ano pala bibilhin mo?" tanong ni sir habang nakangiti. Muntik na malaglag panty ko pre buti nahawakan ko charot😂
"A-ah s-sir sige po alis na ako--"
"Huh? Ano bang bibilhin mo?" Tanong niya ulit. Hindi naman ako makatingin kay sir.
"Uhm... Bibili po s-sana ako ng n-napkin", sagot ko. Shemay kahiya!!!!
"Ito oh!" rinig kong sabi ni sir pagkatapos ng maikling katahimikan. Nakita ko naman ang tatlong napkin na hawak niya. Kinuha ko naman yun.
"M-magkano po sir?"
"Hindi sige okay lang😊kahit d mo na bayaran basta tulungan mo akong magcheck ng seatworks sa faculty sa monday. Okay?" sabi niya ng nakangiti sabay kindat at medyo natatawa uli. Tumango na lang ako sabay talikod agad para maglakad pauwi.
Tengene masosolo--este makakasama ko si sir sa monday mwehehe nawala inis ko sa period ko😂
~Aʀᴛᴇᴍɪs🌕~
BINABASA MO ANG
Random Stories
Short StorySo... These are the stories that I made on my fb acc dedicated to all Amaris. My stories are gonna be posted first in fb than here. Luv y'all my beloved Amaris'🌕❤