Zild
Pinatawag ako sa pagpupulong ng aming mga pinuno. May kaba sa dibdib ko habang papunta ko sa nasabing pagpupulong. Iniisip ko na lang na paparusahan nila ko dahil nabigo ako sa pagprotekta kay Luke. Tinanggal ko ang kaba sa aking dibdib at normal na pumasok sa kubol.
"Maraming salamat sa pagligtas mo kay Luke, Zild" sabi ni pinunong Miya
"Wag po kayong magpasalamat, pinunong Miya. Nabigo po ako" sagot ko
"Naiintindihan ko kung may pagaalangan ka, Zild. Pero ginawa mo pa din ang lahat ng makakaya mo. Kaya humahanga kami sa iyo" sabi nya at nakangiti sakin ang mga nasa kapulungan
"Maraming salamat po. Asahan nyo po na pro-protektahan ko si Luke sa aking makakaya" sabi ko at nakayuko bilang pag-galang.
"Maraming salamat. Maupo ka, at may ilan din kaming mga katanungan sayo tungkol sa nangyare kahapon" sabi nya at umupo ako katabi ni pinunong Gusion
"Nabuhay na nila si Zuthor, Miya. Buhay na sya kaya kailangan na nating mas lalong magingat"
"Katawan lang ang nabuhay sa kanya, hindi pa ang buo nyang kapangyarihan" sabi naman ni Esmeralda. Ang babaeng may kakayahang makita ang hinaharap at sya ang nakakita sa propesiya at kapalaran ni Luke.
"May tanong ako, Esmeralda" panimula ko at nagulat ako dahil nabasa na nya kung ano ang sasabihin ko.
"Ang mga pangitain ni Luke ay totoo" sabi nito
"Pangitain?" tanong ni pinunong Miya
"May mga nakikita si Luke sa kanyang mga panaginip, pinuno. Mga kalamidad, mga gulo, at ang pagkagunaw ng mundo. Sinabi nya samin to noong mga nakaraang araw" sagot ko
"Ibig sabihin, may kakayahan din si Luke na makita ang mga mangyayare sa hinaharap?" tanong ni pinunong Gusion
"Hindi ganap ang kapangyarihan nyang yon. Dahil ayon ay nangyayare lamang dahil konektado sya sa propesiya. Sya ang lalaking tagapagmana ng sinumpang espada. At sya ang magliligtas sa atin at sa mundong ito, ngunit maari din syang maging kasangkapan sa pagkasira nito" sagot ni Esmeralda
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni pinunong Miya
"Si Alucard ang pumatay kay Zuthor, at ang dugo din ng pinakamalakas na assasin ang magiging dahilan ng pagkabuhay nito" paliwanag ni Esmeralda
"Nagawa nilang patakan ng dugo ni Luke ang labi ni Zuthor. Si Luke ay anak ni Alucard, kaya naganap na ang unang propesiya"
"Yun lamang, hindi pa ito ang kinakatakot ko" pabitin na sabi nya kaya may kaba sa aming mga dibdib.
"Dahil dugo ni Luke ang ginamit para mabuhay si Zuthor. Si Luke din ang kailangan nila para maibalik ang mas malakas na kapangyarihan nito, at kapag nangyare yon---" nagsasalita pa si Esmeralda pero nagsalita din si pinunong Miya
"Ang ibig mo bang sabihin---"
"Konektado si Luke kay Zuthor" sagot ni Esmeralda
"Ano ibig mong sabihin?" tanong ko
"Nabuhay si Zuthor ng dahil kay Luke, at mamatay din sya kung mamamatay si Luke" sagot nito
"Sa mga oras na to, katawan pa lang ni Zuthor ang muling nabuhay. Kasabay ng paglabas ng kapangyarihan ni Luke ang pagkabuhay din ng kapangyarihan ni Zuthor" paliwanag nya.
"Ibig sabihin ba nito---" tanong ni pinunong Gusion
"Pag namatay si Luke, mamamatay din si Zuthor" sagot ni Esmeralda
Nakatingin kami lahat kay pinunong Miya. Bilang sya ang ina ni Luke, alam kong nasasaktan sya sa mga nalaman nya.
"Ibig sabihin, totoo ang sinasabi ni Luke" tanong ko
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Apocalypse
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang Disclaimer: No copyright imfringement intended. Synopsis: Libong taon na ang nakalipas ng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga mabubuti at masasamang maalamat na bayani. Ang mga masaman...