Luke
Sa kalagitnaan ng laban ay narinig ko ang sigaw ni Johnsy at tinatawag ako. Nakita ko syang nakalutang hawak si mama.
"Mamaaa!" sigaw ko
"Wag mo syang sasaktan!" utos ko
Nakalutang din si mama at gamit ang kapangyarihan nya, pini-pigilan nya ang hangin at hindi nakakahinga si mama.
"Waaaaag!" sigaw ko at natatawa lang sya
"Luke! Ilag!" sigaw ni Zild at huli na ang lahat. Tumilampon ako dahil hindi ko napansin ang martilyo nung torong umatake din sa amin noon.
"Mamaaa!" Sigaw ko pa din. Hindi ko na ininda ang sakit ng aking katawan.
"Panuorin mo ang gagawin ko, Luke" sabi ni Johnsy at inihulog ang aking ina. Akmang tatakbo sana ko para saluhin ito pero hindi ko na naabutan ang pagbagsak nito sa lupa at gamit ang apoy, ay sinunog ng buhay nung lalaking kasama nito si mama.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Galit na galit ako na gusto kong patayin silang dalawa dahil sa ginawa nila kay mama.
"Luke!" sigaw ng aking ina.
Pagtingin ko ay nakita ko syang papalapit sakin. Konting hakbang na lang ang pagitan naming dalawa nung may tumamang sibat na may tatlong patalim sa likod nya.
"Inaaaaa!" sigaw ko at dali-daling tumakbo sa kanya
"Ina, ina. Lumaban ka" sambit ko habang karga ko sya at umiiyak.
"Patawad, Luke" sabi nya at tuluyan na din syang namatay.
Pakiramdam ko ay huminto ang oras. Nararamdaman ko ang mga labanan sa paligid, ramdam ko ang pagkasunog ng buong kampo. Pero hindi ko na maramdaman ang puso ko dahil sa sobrang sakit. Pakiramdam ko'y namanhid na ito at galit lang ang laman nito.
Tumayo ako at tumingin ng masama sa mga kaaway. Tumigil ang lahat at ang mga alagad ni Zuthor ay ako na lang ang inaatake.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa aking katawan at may kakaiba kong lakas para talunin at pabagsakin ang mga halimaw. Nung nauubos na sila. Umatras na sila kabilang ang babaeng pumatay sa aking ina at sila Johnsy.
Kalungkutan ang nabalot sa buong kampo nung lumapit sa akin ang mga natirang mandirigma habang iniiyakan ko ang bangkay ng aking ina.
Nagsiluhod sila sa harapan ko bilang pagbibigay galang na din sa kanya. Umiiyak lang ako at nilapitan ako ni Zild para yakapin. Lumapit din si Ana at niyakap ako.
Isang malungkot na gabi ito para sakin. Masakit isipin na namatay ang dalawa kong magulang na wala man lang akong nagawa para mailigtas sila.
***
Nagkaroon ng simpleng seremonya bilang sa naging kabayanihan at sa kontribusyon ng aking ina sa pakikipaglaban bago namin sya ilibing.Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Nakahawak lang si Zild sa balikat ko at inaalalayan naman ako ni Ana. Hinang-hina ako na hindi ko malaman. Hindi ko akalain na huling yakap ko na pala yung kahapon. Masakit isipin na ngayon ko lang nakilala ang aking tunay na ina, pero agad-agad din syang nawala sa akin.
Dumagdag pa sa sakit ang pagkamatay din ng aking tumayong ina. Aaminin ko, mas minahal ko ito dahil sya ang nagpalaki at nagtaguyod sakin noong bata pa ko. Kailanman ay inuunawa nya ako at hindi nya nagawang magalit sakin kahit na minsan ay nagkakamali na ako.
Pagkatapos ng libing ay nagkaron ng pagpupulong ang mga natirang matataas na pinuno. Tinitignan ko ang mga tao sa kampo, at napatanong sa sarili ko kung sino na ang mamumuno at mangangalaga sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Apocalypse
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang Disclaimer: No copyright imfringement intended. Synopsis: Libong taon na ang nakalipas ng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga mabubuti at masasamang maalamat na bayani. Ang mga masaman...