Kabanata VI

48 4 0
                                    

Luke

Tumakas ako sa kampo at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Nung napagod na ko saka ako umupo sa may puno at duon umiyak. Ang sakit para sakin na malaman ko na balak akong patayin ng sarili kong ina.

Mga ilang oras din ang nakalipas at nakaupo lang ako sa ng biglang may naramdaman akong tao sa harap ko at nakita ko si Zild at ang aking ina.

Mabilis ang mga pangyayare dahil nilamon na din siguro ako ng aking galit kaya gamit ang aking espada at kapangyarihan, nilabanan ko si Zild at nakalimutan na sya ang kaibigan ko. Sya ang tinuring ko ng kapatid pero dahil sa galit ko, ang turing ko sa kanya ngayon ay isa ng kaaway.

Kahit tuloy-tuloy ang pag atake ko sa kanya ay hindi nya ako nilalabanan kaya kinuha ko na itong tyempo para pabagsakin sya. Nagawa ko ding masaktan sya at nasugatan ang kanyang dibdib.

"Luke, parang awa mo na. Kumalma ka" pagmamakaawa ng aking ina

Nakita ko ang kaibigan ko na nakaluhod sa lupa at umiiyak. Para kong binuhusan ng malamig na tubig at nahimasmasan sa nakita ko.

Naghihingalo si Zild at maraming dugo ang nawawala sa katawan nya dahil sa sugat na nagawa ko.

Napatingin ako sa espadang hawak ko at agad-agad ko din itong nabitawan. Mayroong pagsisisi kong naramdaman. Hindi man ako ang papatayin nila, pero ako naman ang papatay sa bestfriend ko. Totoo nga siguro ang sabi ng iba, dibali ng ikaw ang mamatay, wag lang ikaw ang makakapatay.

"Zild" tawag ko at napaluhod na din ako.

"Tulooooongg!" tawag ko ng saklolo.

"Zild! Sorry! Zild!" Naiiyak na ko sa pagsisisi sa nagawa ko

"Zild" sabi ko at nakayakap ako sa kanya.

Nakahawak sya sa pisngi ko may bahid na yun ng dugo.

Bigla kong naalala yung araw na niligtas nya ko. Yung mga araw na sya ang nagliligtas sakin

"Hindi mo magagawa yun, Luke"

Nagpantig sakin yung sinabi nya sakin nung nakaraan nung sinabi ko sa kanya yung nakita ko sa pangitain ko.

Naalala ko na kahit sinabi ko sa kanya na patayin nya ko pero hindi nya yun ginawa at niyakap nya lang ako. Nakaramdam ako ng pagsisisi. Bakit ako nagpadala sa galit ko?

"Zild!" at tuluyan na syang nawalan ng malay. Nagiba na din ang suot nya at normal na tao ang itsura nya

Nakaramdam din ako ng hiya kaya iniwan ko na ang walang malay na si Zild at ang aking ina at patakbong lumayo sa gubat na yon. Masakit sakin na makitang mamatay ang bestfriend ko, pero mas masakit dahil ako ang pumatay sa kanya.

***
Sa aking pagtakbo ay naalala ko pa din ang nagawa ko. Parang gusto kong putulin ang kamay ko dahil dito. Ayokong saktan ang bestfriend ko pero hindi ko napigilan ang sarili ko at ako mismo ang pumatay sa kanya.

Nung napagod ako sa pagtakbo. Napaupo ulit ako sa ilalim ng isang puno at pinupunasan ang dugo na nasa pisngi ko, maging ang nasa kamay ko.

"Zild. Sorry" naiiyak ako.

Pati yung damit kong may mantsa ng dugo nya ay kinukusot-kusot ko. Unti-unti na kong naging mamamatay tao na akala ko noong una ay hindi ko magagawa.

Mobile Legends: ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon