Luke
May kaba sa aking dibdib lalo na't hindi ko alam kung ano ang mga posibleng makaharap namin o mangyare sa gagawin naming misyon. Iniisip ko din ang magiging reaksyon ng aking ina pag nalaman nyang umalis ako sa kampo ng hindi nagpapaalam.
Malayo-layo na din ang nalalakbay namin. Si Zild ang nagmamaneho at nakatulog na si Ana sa likod. Sinamantala ko na ang pakikipagusap sa kanya habang nagdri-drive para pampatanggal na din ng antok.
"Sa totoo lang, may kaba sakin sa gagawin nating to" panimula ko.
"Wag kang magalala, kasama mo naman ako. Hindi kita pababayaan. Ako ang tagapangalaga mo" sabi nya sabay nilapit sakin ang isang kamao nya at nag fist bump kami.
"Alam mo ba ang lugar na pupuntahan natin?" tanong ko
"Alam ko, pero hindi ko kabisado" sagot nya
"Makinig ka sakin, Luke. Pag nakadating tayo sa paanan ng bundok. Dumikit ka lang sakin at wag kang hihiwalay samin ni Ana" bilin nya.
"Kahit anong mangyare, wag kang matatakot. Nandito lang kami. Naiintindihan mo?"
Para syang magulang ko na nagbibilin sakin na wag maglaro sa labas. Napapangiti na lang ako
"Bat ngumingiti ka dyan?" tanong nya
"Wala lang, kung makapag-protekta ka kasi sakin, parang ako ang girlfriend mo" natatawa kong sagot at natawa na lang din sya.
"Kadiri kayo. Ang ingay nyo" biglang nagsalita si Ana sa likod.
Maguumaga na nung narating namin ang paanan ng bundok. Bumaba kami sa kotseng sinasakyan namin at tinahak ang daan paakyat.
"Mukhang masaya to" sabi ni Ana
"Parang masamang idea tong pinasok ko" may pagsisising sabi ko
Typical na bundok lang naman ito pero hindi ko malaman dahil pakiramdam ko ay may sumusunod samin, o may nagmamatyag samin.
"Ano ba hinahanap natin dito?" tanong ni Ana
"Isang kwintas" sagot ko
"Ano? Ibig mo bang sabihin ang kwintas ni Leona?" tanong nya ulet. Mukhan may alam sya tungkol dito
"Alam mo yon?" tanong ni Zild
"Oo, hindi ko inaasahan na totoo pala ang tungkol doon. Akala ko isa lang yung alamat" sagot nya
"Ang kwintas ni Leona ay may bentitadong bato. Sabi sa kwento-kwento, namatay ang anak ni Leona dahil sa isang ritwal, parang sinanla ang kaluluwa nito sa isang itim na mahikero" pagsasalaysay nya ng storya
"Kaya gumawa si Leona ng isang kwintas. May mahika ang kwintas na ito para proteksyonan ang sino mang magsusuot ni laban sa itim na mahika, ang sabi sa kwento. Kung sino man ang may suot nito ay hindi tatablan ng itim na mahika, o kahit ang mga demonyo o espiritung may balak sumanib sa katawan nito"
"Alam mo ba kung saan nakatago yun?" tanong ni Zild
"Teka nga, yun ba ang pinunta natin dito? Ano kailangan nyo sa kwintas na yun?" pagbabalik nya ng tanong.
"Basta. Sagutin mo na lang ang tanong ko" pagpupumilit ni Zild
"Nasa taas ito ng bundok. May isang templo doon at ang kwintas ay pinangangalagaan ng mga---" sagot nya kaso pinutol ko ang sinasabi nya.
"Templo? Pero parang normal na bundok lang to. Wala nga akong nakikitang kakaiba? Anong templo?" tanong ko
"Wala ka talagang ideya sa hiwaga ng mundong to no?" pambabara sakin ni Ana.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Apocalypse
FanficA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang Disclaimer: No copyright imfringement intended. Synopsis: Libong taon na ang nakalipas ng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga mabubuti at masasamang maalamat na bayani. Ang mga masaman...