Luke
Nung namatay si Zuthor ay nagliwanag na din ang langit. Maging ang mga natirang mga alagad nito ay naging abo.
"Nanalo tayo" sabi ni Zild
Lumapit na sa amin ang mga natirang mandirigma. Ako agad ang unang nilapitan nila Zild at Ana at niyakap ako ng mga ito.
"Luke, akala ko talaga mawawala ka na" naiiyak na sabi nya. Napapangiti na lang si Zild.
Ako naman ay lumapit sa aking ama at ina. Niyakap ko sila ng mahigpit na mahigpit.
"Luke" sabi ng familiar na boses
"Kuya" at niyakap ko dinang aking kapatid ng mahigpit.
Niyakap din ng aking ina si Mico at nakilala din sya ng aking ama.
Sa mga oras na ito ay nagkaroon ang bawat pamilya at mahal nila sa buhay ng sandaling oras upang makasama, mayakap at makausap ang kanilang mga mahal sa buhay na namatay na.
Nakita ko din si Zild na nayakap ang kanyang ama at kausap ito. Nakatutuwang tignan ang kasiyahan ng mga tao
***
Bumalik kami sa kampo at doon ay pinagpatuloy ang selebrasyon ng aming pagkapanalo sa digmaan. Alam kong pansamantala lang ito dahil muli din kaming aakyat sa Vedas.
"Luke" tawag sakin ni Ana at inabutan ako ng maiinom
"Kamusta?" bati ko
"Ayos naman, eto. Nalungkot nung nawala ka" sagot nya kaya nakangiti lang ako.
"Ana, may gusto sana kong sabihin" panimula ko. Wala na kong sasayanging oras at pagkakataon.
"Ano yun, Luke?" tanong nito.
"Maha---" magsasalita pa sana ko kaso bigla akong tinawag ni Zild. Nawala ako sa mga sasabihin ko at nagpaalam sandali kay Ana para puntahan ang magaling kong kaibigan. Napakalaking storbo
"Ano yun?" tanong ko
"Ano, umamin ka na ba kay Ana?" tanong nya naman sakin kaya nakatikim sya sakin ng batok.
"Aray, bakit?" protesta nya.
"Ayon na ee. Masasabi ko na ee. Bigla mo lang akong tinawag" medyo inis kong sagot kaya tinawanan nya lang ako.
"Nako. Sorry. Sorry. Hindi ko naman kasi alam" dispensa nya. Nakita ko lang si Ana na palinga-linga sa paligid habang hinihintay ako. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Pabalik na sana ko kay Ana nung tinawag naman ako ng kapatid ko. Mukhang tadhana na ang nagsasabi na wag muna akong umamin sa kanya.
Nakita ko na ngumiti sya sakin bago tumayo at umalis. Hindi ko na sya nakausap dahil nga kasama ko ang kapatid ko ang aking pamilya.
"Pinagmamalaki ka namin, Luke" sabi ng aking ama
"Ako man ay pinagmamalaki kong kayo ang naging aking ama, at ina" sabi ko at yumakap ako sa kanilang dalawa.
"At masaya kong makilala ka, mahal kong kapatid" at yumakap din ako sa kanya.
"Maging ako man ay masaya na makilala kayo" sagot nito
Ang muli naming masayang pagsasama ay napalitan ng lungkot dahil kailangan na naming tanggapin na kami ay babalik muli sa Vedas at iiwan ang aming mga mahal sa buhay, kaibigan at si Ana.
Nagkaroon ng sandaling seremonya upang magsalita ang mga pinuno. Nagpasalamat sila sa mga natirang bayaning hindi nagpadala sa kadiliman at patuloy na lumaban para sa kabutihan.
"Gusto naming magpasalamat sa inyong lahat, dahil pinatunayan nyo na kahit kailan ay hindi mananaig ang kasamaan" talumpati ng aking ama.
May isa akong napansin sa kumpulan ng mga tao. At nung napansin nya ko na nakatingin ako sa kanya, umalis na ito at naglakad palayo. Dali-dali ko itong pinuntahan at hinabol.
"Johnsy" tawag ko. Napatigil lang ito sa paglalakad
"Ang totoo nyan, hindi talaga Johnsy ang pangalan ko. Ako si Vale" sabi nya nung humarap na ito sa akin.
"Vale. San ka pupunta?" tanong ko
"Aalis na ako, dahil hindi ako nararapat sa kampong ito" sagot nya
"Wag kang umalis" sabi ko
"Luke, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sayo, maging ang pagpatay ko sa mama mo" paghingi nya ng kapatawaran.
"Kalimutan mo na yon, wag mo ng alalahanin. Tapos na yon" sagot ko sa kanya at inabot ang kamay ko.
Agad-agad nya naman itong kinuha, at matapos ay niyakap nya ako at nagpasalamat.
"Tunay ngang ikaw ang itinakda" sabi nito
"Pasensya ka na, Luke. Pero kailangan ko pa ding umalis, kasama ang aking kapatid" paalam nya at kasama ang lalaking apoy.
"Magiingat kayo, paalam" sabi ko at tuluyan na silang umalis ng kampo.
Bumalik ako sa pagtitipon at nakasalubong ko si Zild kasama ang ama nito. Masaya itong naguusap kaya hindi ko na din sana sila i-istorbohin pero tinawag nya ako.
"Ama, sya nga po pala ang kaibigan ko, si Luke. Ang itinakda" pakilala nito
"Ikinagagalak ko po kayong makilala" sabi ko at yumuko din ito sakin bilang pag-galang.
Iniwan ko na ang mag-ama at sinamantala na ang pagkakataon para lapitan si Ana.
"Ana" tawag ko pero nakita ko syang kasama ang isang lalaki (Lester, anak ni Lesley)
"Luke?" gulat nito
"Ah, eh. Wala, sige maiwan ko na kayo" sabi ko at nanghinayang. Nakita ko ang mga ngiti at tawa ni Ana habang kausap yung lalaki kaya hindi na ko nagtangkang umamin pa sa kanya.
Magiging unfair lang ito para kay Ana. Ano pa silbi na umamin ako sa kanya kung mawawala din naman ako sa tabi nya?
Magma-madaling araw na at kailangan na naming bumalik sa Vedas. Ang mga nabuhay na mga bayani ay namamaalam na sa kani-kanilang mga pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay.
Kitang-kita ko din ang pag-iyak ni Zild habang yakap-yakap ang kanyang ama na ngayon nya lang nakilala. Alam kong kulang ang oras para sa kanya, pero wala naman kaming magagawa at gustuhin man naming magtagal, o wag ng bumalik sa Vedas ay hindi naman ito pwede.
"Totoo pala, mawawala ka ulit, Luke" naiiyak na sabi ni Ana.
Yumakap lang ito sakin ng sobrang higpit. Umiiyak ito sa dibdib ko na ayaw na nito akong pakawalan. Lumapit din sakin si Zild at mangiyak-ngiyak ding yumakap sakin.
"Mamimiss kita, Luke. Maraming salamat sa lahat" sabi nya kaya napaiyak na din ako.
"Magiingat kayo" sabi ko at bago ako umalis ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Ana, mahal kita" pagtatapat ko na kinagulat naman nya.
"Mahal na mahal kita, Ana. Paalam" sabi ko at sumama na ko sa aking ama at ina.
Nakatingin lang ako kay Ana habang umiiyak ito. Nang saktong alas-dose na ng madaling araw ay umakyat na kami sa Devas at tuluyan ng iniwan ang mundo dahil tapos na ang misyon namin dito.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Apocalypse
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang Disclaimer: No copyright imfringement intended. Synopsis: Libong taon na ang nakalipas ng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga mabubuti at masasamang maalamat na bayani. Ang mga masaman...