Luke
"Maraming salamat sa inyo" sabi ko bilang pasasalamat sa mga bayani at mandirigmang nagtaya ng kanilang buhay upang lumaban.
"Karangalan namin ang paglingkuran ka at lumaban, mahal na itinakda" sabi nung babaeng nakilala namin sa templo.
"Asahan mo kaming makakasama mo kami sa bawat laban na iyong haharapin" sabi nung lalaking may katawang kabayo.
"Maraming salamat"
"At asahan mong ipagtatanggol ka namin, mahal na itinakda. Ako at ang aking espada, maging ang aking mga kasama" sabi nung isang lalaki (Tigreal)
Lumalalim na ang gabi kaya karamihan ng mga nasa kampo ay nagpapahinga na. May mga bantay na naggwa-gwardya sa labas at yung iba naman ay hindi pa din natutulog.
Nagiikot-ikot ako sa loob ng lumang kampo. Nakita ko si Zild sa may bulwagan na nakatayo sa harap ng estatwa ng kanyang ama.
"Kung buhay sya ngayon, alam kong ipinagmamalaki ka nya" sabi ko habang nasa kabilang dulo.
"Ikaw man din ay ipinagmamalaki ng iyong mga magulang, Luke" sagot nya at napansin ko na nagpunas sya ng kanyang luha bago humarap sakin.
"Napakagiting ng iyong ama" sabi ko sa kanya habang tinitignan din ang estatwa.
"Sana nga lang ay kasing-tapang at lakas nya ako" may lungkot sa tono ng boses nya.
"Pakiramdam ko minsan ay hindi sapat ang lakas ko. Pakiramdam ko ay isa akong talunan" dagdag nito
"Hindi totoo yan, Zild" sabi ko at nakahawak sa balikat nito
"Matapang ka at malakas. Kung di dahil sayo, malamang matagal na akong patay kung hindi mo ako prinoprotektahan at pinapangalagaan" dagdag ko
Nakatingin lang sya sakin ng nakangiti.
"Salamat, sayo na lang ako kumukuha ng lakas, Luke" sagot nito
"Hindi, Zild. Sayo ko kumukuha ng lakas, sa inyo ni Ana. Kayo ang dahilan kung bakit ko nailabas ang kapangyarihan ko, kayo ang nagturo sakin kung paano lumaban" sabi ko at nag fist-bump kami.
***
Nagising ako ng maguumaga na dahil sa isang masamang panaginip.Nakita ko ang mga kasama ko na namamatay sa pakikipaglaban. Nakita ko din ang sarili ko na nakikipaglaban sa aking kapatid.
Naghahabol ako ng hininga nung tumayo ako sa aking hinihigaan. Napapansin ko din na madalas akong nakakakita ng mga pangitain. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot na ako at nababahala sa mga nakikita ko. Pakiramdam ko kasi ay ang lahat ng ito ay mangyayare at magkakatotoo.
Lumapit ako ulit kay Esmeralda para isangguni ang nasa panaginip ko. Ngunit bigo ako dahil hindi ito humarap sa akin. Kaya nilapitan ko naman ang lalaking manghuhula at sinabi nya sakin na ang mga nakikita ko ay posibleng mangyare o posible ding maiwasan.
"Lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago, at kaya din nating baguhin ang hinaharap" (Nothing lasts forever, we can change the future)
Yun lang ang salitang binitiwan nya bago sya biglang naglaho. Hindi na naging palaisipan sa akin ang sinabi nya sapagkat narinig ko na din ito noon.
Lumabas ako sa kampo para magpaaraw. Pasikat pa lamang ang araw at nakikita ko na ang ganda nito. Sana nga lang ay walang panganib o ano mang masamang mangyayare ngayong araw.
Pagpasok ko ulit sa kampo ay nakita ko ang mga bata na umiiyak at narinig ko ang problema nila sa pagkain.
Hindi tulad ng dati naming kampo na may makukuhanan kami ng aming makakain, dito ay kailangan naming magtiis dahil napaliligiran kami ng mga bato at wala kaming imbak na pagkain.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Apocalypse
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang Disclaimer: No copyright imfringement intended. Synopsis: Libong taon na ang nakalipas ng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga mabubuti at masasamang maalamat na bayani. Ang mga masaman...