Luke
Pagkatapos naming magensayo nila Zild at Ana. Naglalakad ako at nakita ko ang aking ina na naglalakad at naguusap kasama ang ilang mga pinuno.
Lumapit ako sa kanila at narinig ko ang kanilang pinaguusapan. Tungkol ito sa nalalapit na digmaan
"Kung hindi tayo kikilos, tayo ang uubusin nila, Miya" sabi ni Gusion
"Pero hindi pa tayo handa, kulang pa ang ating pwersa" sagot ng aking ina
"Kasama na natin ang anak nyo ni Alucard, may sapat ng kakayahan si Luke makipaglaban. Palagay ko ay sapat na ito"
"Palagay ko ay tama ang sinabi ni Gusion, Miya. Oras na siguro para tayo naman ang sumugod" sabi nung babaeng may dilaw na buhok.
Napansin kong nakita ako ng aking ina kaya nagkunwari na lang ako na hindi nakatingin sa kanila at dere-derechong naglakad. Ganon din ang aking ina na iniwan ang kanyang mga kasama.
Bumalik ako sa kwarto ko at nakaupo sa aking kama. Napaisip din ako sa sinabi ni pinunong Gusion. Siguro nga ay tama sya. Bilang may tamang ensayo na din naman ako sa pag-gamit ng aking espada at kapangyarihan. Nasakin na din naman ang kwintas, kaya masasabi kong handa na akong makipaglaban.
Nakahiga ako at nakatingin sa itaas ng pumasok ang aking ina at umupo sa may paanan ko. Agad-agad naman akong napabangon para kausapin ito.
"Batid kong handa ka na para sa paparating na digmaan, anak" sabi nya at nakatahimik ako. Halata sa kanyang mukha ang pagkabalisa.
"Wag kayong magalala, ina. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko" sabi ko at nakayakap sa kanya. Naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang luha
"Wala naman akong magagawa para pigilan ito, Luke" sabi nya at pinunasan ko ang luha sa mata nya
"Alam kong ipagmamalaki ka ng iyong ama"
At pati ako ay napaiyak na din.
"Kunin mo ito, ibinigay ito sa akin ng iyong ama" sabi nya at binigay sa akin ang isang gintong singsing na may kulay asul na diamante.
"Mahal na mahal kita, anak" sabi nya at hinalikan ang aking noo.
"Mahal na mahal din kita, ina" at yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Ngayon lang kami nagkakilala pero ramdam ko agad ang pagmamahal nya sakin.
Lumabas na ito sa aking kwarto at naiwan ako mag-isa. Nakatingin ako sa singsing na ibinigay nya. At nangako sa sarili ko na iingatan ko ang singsing na ito dahil ito ay galing pa sa aking ama.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumabas ako sa aking kubol at hinanap ang babaeng manghuhula na si Esmeralda.
"Ano ang iyong kailangan?" tanong nito
"May nais lang akong itanong" panimula ko
Sumenyas lang ito sa akin at pumasok ako sa kanyang maliit na tolda.
"Gusto ko lang malaman, mayroon bang paraan upang makausap ang mga taong patay na?" tanong ko. Kagaya ng paniniwala ng mga tao na may ritwal silang ginagawa upang makausap ang kaluluwa ng mga yumao.
"Posible din ba ito dito?" tanong ko sa ritwal na ginagawa ng mga
"Ang kaluluwa ng mga patay ay makakausap mo lamang kapag ikaw ay namatay na" sagot nito.
Naintindihan ko ang gusto nyang sabihin. At kung iyon man ang paraan, hindi pa ko handa dahil may kailangan pa kong tapusing misyon.
"Pero kung gusto mong kausapin ang iyong ama, bibigyan kita ng pagkakataon" sabi nya at natakot ako dahil ibig sabihin non ay gusto nya kong patayin.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Apocalypse
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang Disclaimer: No copyright imfringement intended. Synopsis: Libong taon na ang nakalipas ng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga mabubuti at masasamang maalamat na bayani. Ang mga masaman...