Kabanata XII

37 4 0
                                    

Luke

Bumalik na kami sa kampo at sinalubong kami ng aking ina na lubos-lubos ang pagaaalala. May galit sa kanyang pananalita habang pinagsasabihan nya kami nila Zild at Ana.

"Wag nyong idamay sila Zild at Ana dito, ina. Kung meron mang may kasalanan, ako yon. Umalis ako ng hindi ako nagpapaalam, patawad" sabi ko at niyakap nya lang ako.

Nakatahimik lang ako at hindi ko nagawang yumakap din sa kanya.

"Nakuha na po namin ang kwintas, pinuno" paguulat ni Zild at dumerecho na ko sa kubol ko para magpahinga. Nakakapagod din ang naging paglalakbay namin kaya gusto kong matulog.

Mahimbing na aking tulog at bigla kong napaginipan ang kinalakihan kong ina. Pinapahirapan ito ng mga halimaw, sinasaktan at kinakawawa. Nagising ako sa sobrang samang panaginip na iyon.

Agad-agad akong napatayo sa kinahihigaan ko at naghahabol ng aking hininga. Dali-dali kong sinuot ang t-shirt ko at saka nagmadaling umalis. Alam kong hindi basta-basta panaginip yon. Kailangan kong iligtas si mama.

"Sinasabi ko na nga ba at aalis ka ulet" sabi ni Zild na nakabantay sa pintuan ko.

"Pakiusap, Zild. Kailangan kong iligtas si mama sa kahit anong paraan" sagot ko sa kanya.

"Pero Luke, delikado" pagbabanta nya

"Alam ko, pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang sya don. Napaginipan ko sya, ayokong may kung ano pang mangyare sa kanya don" hindi mapakaling sabi ko at sinasabunutan ang sarili ko.

"Mapapatay ako ni pinunong Miya sa galit nya kapag nalaman nyang umalis ka na naman" sabi nya kaya mas lalo akong naguluhan.

"Alam ko naman yon, ayoko din namang suwayin ang aking ina, pero, si mama kasi ee" napapaiyak na ko.

Hawak nya ang balikat ko at pilit na pinapakalma ko.

"Bakit ba kasi naging tagapaligtas pa ko ee" may pagsisising sabi ko.

"Luke, wag mong sabihin yan. Ikaw ang pinili, dahil ikaw ang itinakda. Ikaw ang magliligtas samin, at sa mundong to" sabi nya

"Pero kailangan bang may mga taong nasasaktan o namamatay ng dahil sakin?" tanong ko

"Minsan kailangang may mamatay, Luke. Kasama iyon sa natural na takbo ng mundo. May namamatay, at may mga nabubuhay" sagot nya.

"Naiintindihan kita, Luke. Kung ako man ang nasa posisyon mo, gagawin ko din ang gagawin mo" sabi nya at naglalakad na palayo.

"Pero Luke, gusto ko lang malaman mo. Na sa bawat desisyong gagawin mo, nasa likod mo lang ako" pagbibigay nya ng kasiguraduhan sakin.

Zild

Galit na galit sa amin si pinunong Miya dahil sa pagtakas namin sa kampo. Pinaliwanag ko naman itong mabuti sa kanya at sinabi sa kanya na hindi namin pinabayaan si Luke. Binigyan pa nya ako ng isang pagkakataon, hindi ko alam kung sa susunod baka mapatay na nya ko sa galit nya. Naiintindihan ko naman ito dahil walang ina ang gustong mapahamak ang kanilang anak. At bilang tagapangalaga din naman ni Luke, kahit ako ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyareng masama sa kanya.

Binantayan ko ang kwarto ni Luke dahil alam kong aalis na naman sya ng kampo. Lalo na ngayon at bihag ng mga alagad ni Zuthor ang mama nito.

Mahal na mahal ni Luke ang lumaking ina nito. Kahit naman ako ay napamahal na sya sakin, dahil sa sobrang kabaitan nito. Kung ano mang kabutihan ang meron kay Luke, ayon ay dahil sa itinuro ng mortal nyang ina.

Hindi nga ako nagkamali. Pupuntahan nya nga ito kaya agad-agad ko itong pinigilan. Masakit man para sakin na makita na nahihirapan si Luke sa magiging desisyon nya. Binigyan ko na lang sya ng kasiguraduhan na hindi ko sya pababayaan, ni iiwan sa ano mang laban o desisyon nya.

Mobile Legends: ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon