Kabanata XVII

34 2 0
                                    

Luke

Hinayaan lang nila ko Ana na magpahinga at iniwan na nila ko sa aking tolda. Masakit pa din ang aking katawan. Ramdam na ramdam ko ang sugat sa aking braso at binti.

Nakapikit ako noon at naramdaman ko ang kakaibang presensya.

"Zild, Ana?" tawag ko

Pagdilat ng mata ko. Wala namang ibang tao kundi ako lang. Masama lang siguro ang pakiramdam ko kaya may kakaiba kong naramdaman.

Maya-maya'y naramdaman kong may tao sa may paanan ko. Hindi na talaga ako nagkakamali dahil pagdilat ng mata ko ay may nakita kong lalaking nakatayo sa harap ko.

Agad-agad naman akong napabangon kahit na masakit ang kalamnan ko. Ang aking kapatid ito at napasok nya ang aming kampo.

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko

"Wag kang magalala, wala akong balak saktan ka o manggulo" sagot nito na hindi ko naman sya pinaniwalaan.

"Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?"

"Makinig ka, mahal kong kapatid" sabi nya at unti-unting lumalapit sakin. Napapaatras naman ako habang lumalapit sya sakin.

"Wag kang matakot" sabi nya at inaabot ang kamay nito

"Ako si Mico, ang kapatid mo" pakilala nito

"Bakit ka kumampi sa demonyong yon at hindi sa ating ama at ina?" tanong ko

"Hindi ko sila kilala, at hindi ko sila kinikila" sagot nito. Dun pa lang alam ko isa na syang kaaway

"Bakit mo pa ko itinuturing na kapatid?" tanong ko ulet sa kanya.

"Dahil iisang dugo lang ang nananalaytay sa ating dalawa" sagot nito

"Dugo ng ating ama, si Alucard" sabi ko

"Pero hindi ko sya kinikilalang ama, Luke" sabi nya kaya nangigil na ko.

"Nandito ko para hikayatin ka. Sumama ka sa akin, at kasama kitang paghaharian ang buong mundo. Parehas tayong magbubuhay hari at pahihirapan ang mga tao" paghihikayat nya sa akin.

"Ayoko" sagot ko

"Tandaan mo, Luke. Wag na nating paabutin pa sa panibagong paga-away ang bagay na ito. Sumama ka na sa akin at gagawin kitang mas makapangyarihan.Ako'y konektado sa iyo kaya hindi mo ako maiiwasan" dagdag nito ng kanyang balak.

"Kaya kong patayin ang mga kaibigan mo, at ang mga nasa kampong ito kung nanaisin ko. Kaya ngayon ay pinapapili kita, sasama ka sakin o pipiliin mo ang mga mahihinang ito?" tanong nya.

"Magisip ka" sabi nya at pinapapili ako. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi sya sinasagot. Gustuhin ko man na labanan sya, hindi ko magawa dahil alam kong madadamay ang buong kampo.

"Paano ka nakarating dito?" tanong ko ulit

"Dahil makapangyarihan ako, Luke. At katulad ko, kaya kitang bigyan ng higit pang kapangyarihan" sagot nito

"Salamat na lang sa alok mo, pero hindi ko yun kailangan" sagot ko din sa kanya kaya nakita ko ang galit sa kanyang mukha.

"Wag ka ng magmatigas, Luke" pagpipigil nya

"Hindi ikaw yan, Mico. Labanan mo si Zuthor" sabi ko at kinakausap ang kapatid ko.

"Ang iyong kapatid ay patay na. Nasakin na ang kanyang katawan" sabi nito

"Napakasama mo talaga!" sigaw ko at nilabas na ang aking espada.

"Bibigyan kita ng pagkakataon para pagisipan ang alok ko sa iyo" sabi nya at biglang naglaho sa paningin ko.

Mobile Legends: ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon