Luke
Unti-unti ko na nakikilala kung sino ba talaga ko at ang totoo kong pagkatao. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit may mga nagagawa akong bagay na hindi ko din maipaliwanag. Nakilala ko na din ang totoo kong mga magulang. Masaya ko, pero nalulungkot lang din dahil masyadong mabilis ang mga pangyayare. Hindi ako naging handa sa mga nalaman ko at sa mga nadidiskubre ko. Habang tumatagal, mas lalong maraming mga bagong tao, kaaway o mga nangyayare ang gumugulat sakin.
Iniisip ko ang tumayong magulang ko. Kamusta na kaya si mama ngayon? Marami kong bagay na nalaman at nabulag ako sa katotohanan noong nasa labas ako ng kampong ito.
Nabigla din ako sa nalaman ko na ang kababata kong si Zild ay isa palang anak ng isang maalamat din na bayani. Mahirap paniwalaan na lumaki kami parehas at magkasama kaming tumanda pero matagal nyang tinago sa akin ang totoo nyang pagkatao. Pati si Nancy, si teacher Odette at si Johnsy
Si Johnsy na itinuring ko ding kaibigan dahil naging ka-team ko dati sa basketball noon. Hindi ko aakalain na isa din pala syang kaaway at may kapangyarihan din sya. Bigla akong napaisip. Sino-sino pa kaya ang mga nakilala ko sa labas ang totoo o hindi?
Kamusta na kaya si mama? Aaminin ko, nangungulila ako sa kanya. Wala na kong balita sa kanya. Nakakalungkot dahil simula ng gabing yon, hindi ko na sya ulet nakita. Umaasa kong hindi pa sya patay dahil gusto ko pa syang makita. Gusto ko syang yakapin at pasalamatan.
Nasa gilid ako ng ilog at nagpapahangin. Hinahagis ko din yung mga bato sa gilid ko sa tubig at pinapatalbog-talbog ito hanggang lumubog.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ha" sabi ng boses babae sa likod ko. Hindi ko sya kilala at ngayon ko lang din sya nakita.
"Ha, hindi naman. Nagpapahangin lang" sagot ko.
"Ako si Sarah. Ikaw pala si Luke, kinagagalak kitang makilala"
Medyo nakakagulat nga lang kasi kilala nya ko kahit hindi ko sya kilala at ngayon lang kami nagkita.
"Wag kang magalala, hindi ako kaaway" natatawang sabi nya.
"San na nga ba ko, ayon. Mukhang may iniisip ka ha" panimula nya ng paguusap namin.
"Wala naman" sabi ko sabay bato ulit sa tubig
Nagulat ako kasi hindi ko narinig ang paglubog ng bato. Pagtingin ko sa ilog, nakita ko na nakontrol nya ito at imbis na lumubog yung batong binato ko, dinala ito ng tubig at nasa palad na nya.
"Kaya mong kontrolin ang tubig?" tanong ko
"Oo" natatawang sabi nya. Kaya napangiti na lang din ako sa pagkakamangha.
"Oh, alam kong may galit ka. Kasi sinaktan ka ng aking ina" sabi nya na pinagtaka ko naman.
"Sinong ina?" Tanong ko
"Yung babaeng dumukot sa inyo, si Kadita" sagot nya at nakatingin sa palad ko. Napansin nya ang sugat na gawa ng nanay nya.
"Pero hindi ako kalaban, Luke. Wag kang magalala" sabi nya at kinuha yung kamay ko at nilapit ito sa tubig.
Unti-unting gumagapang yung tubig sa kamay ko hanggang sa braso ko at nakaramdam ako ng kakaibang lakas dahil biglang nawala yung sugat ko sa kamay at sa braso na gawa nung laban namin ni Ana kanina.
"Salamat" sabi ko habang binubukas-sara ang kamay ko dahil mas naging iba pakiramdam ko hindi kagaya kanina na nahihirapan akong igalaw ang kamay ko.
"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa nagawa ng ina ko" sabi nya at tumalikod na din.
"Wala yun, hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng mga magulang nila" sagot ko
Naglalakad na sya palayo. Gusto ko pa sana sya kausapin kaso hindi ko na din nagawa.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Apocalypse
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang Disclaimer: No copyright imfringement intended. Synopsis: Libong taon na ang nakalipas ng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga mabubuti at masasamang maalamat na bayani. Ang mga masaman...