Zild
Pinakita samin ni Esmeralda mula sa kanyang bolang kristal ang nangyayare sa labas ng kampo. Nabigla kami sa aming nakikita. Sunod-sunod ang mga kalamidad.
"Ang mga nagaganap ay mga delubyo pa lamang na gawa ng kalikasan, hindi pa ang pagwasak ni Zuthor" panimula ni Esmeralda
"Kailangan nating gumawa ng paraan para mapigilan ito" sabi ni Ana.
"Handa ka na ba?" tanong nito kay Mico at hindi naman ito makasagot.
"Hindi ko alam, pero wala namang masama kung aking susubukan" sagot nito.
Naghanda kaming lahat para sa mangyayaring digmaan. Hindi ko nga lang alam kung paano namin maipapanalo ito na wala si Luke.
"Nagsisimula na" sabi ni Esmeralda at nagiba ang kulay ng mata nito.
Pinakita nya samin ang nangyayare sa kabayanan at sumasalakay na si Zuthor at sinisira ang mga gusali. Nakikita ko ang sigawan at pagmamakaawa ng mga tao.
Pumunta kami sa lugar kung saan umaatake ang itim na panginoon kasama ang apat na alagad nito, maging ang mga halimaw nyang mandirigma.
"Zuthor! Itigil mo na ang kasamaan mo!" sigaw ni pinunong Gusion
"Nandito na ang mga bayani. Eto ang gusto kong mangyari, lahat kayo. Laban sa akin" sabi nito.
Nagpaulan ng atake si Valir at sinabayan din ito ng sunod-sunod na atake ng mga itim na mahikero. Kaya nagkahiwa-hiwalay kami para magtago at protektahan ang aming mga sarili.
"Eudora, ang kambal" utos ni pinunong Gusion at lumabas si Eudora. Nagpakawala ito ng matatalim na kidlat na tumama sa ilang mga kaaway.
"Layla, Clint. Tulungan nyo sina Zild at Ana. Kayo ang bahala sa mga mandirigma" utos nya samin.
"Lesley, protektahan mo ko sa pag-atake ko. Tigreal, Roger, Johnson. Samahan nyo ko" utos nya naman sa mga malalakas na mga lalaki.
Nilabanan namin ang mga alagad ni Zuthor kahit na marami sila. Dumating din ang ibang mga kapanalig para tumulong pero hindi pa din ito sapat para malabanan sila.
"Kamusta, Zild?" bati pa sakin ni Vale at nagpakawala ng mga ipo-ipo. Nagliparan ang mga kotse at ilang mga pira-pirasong bato na naging dahilan para masugatan at matamaan ang aming pwersa.
Akma namang aatake si Valir gamit ang kanyang mga bolang apoy pero agad itong nakontra ni Aurora at gamit ang isang malaking tipak ng yelo ay pinabagsak nya ito sa mga kaaway.
Nagtulong-tulong ang mga mandirigmang gumagamit ng mahika para maging proteksyon at mapabagal ang atake ng mga ito pero hindi pa din ito naging sapat dahil marami na sa amin ang namamatay.
Iilan-ilan na lang kaming natitira. Nawawalan na ako ng pag-asa. Maging ako man ay nahahapo na.
"Ana!" sigaw ko dahil nakita kong pinagtutulungan ito ng mga halimaw.
Agad-agad akong tumakbo para iligtas sya sa atake ni Aldous.
"Salamat, Zild" sabi nito habang nagtatago kami sa mga kotse.
Maya-maya'y may mga nagliliparang kotse kaya gamit ang kanyang kable, agad-agad din kaming nakailag at nakapagtago sa gilid ng isang gusali.
"Argh" daing ko dahil tumama ang likod ko sa pag-ikot namin.
"Sorry. Ano, handa ka na ba?" tanong nito at tumango lang ako. Sabay kaming lumabas sa pinagtataguan namin para tumulong sa mga bayaning nakikipaglaban.
Nakita kong unti-unti na ding nauubos ang mga umaatake kay Zuthor sa pamumuno ni pinunong Gusion. Maging sya ay sugatan na din pero hindi pa din ito tumitigil.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Apocalypse
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang Disclaimer: No copyright imfringement intended. Synopsis: Libong taon na ang nakalipas ng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga mabubuti at masasamang maalamat na bayani. Ang mga masaman...