2

553 12 0
                                    

NAPABUGA ng hangin si Scott pagkababang-pagkababa ng bus. He was sure relieved na napalayo na siya sa presensya ng babaeng inagapayan niya kanina doon. Di niya alam kung bakit pero may kakaiba siyang naramdaman nang masalubong niya ang inosenteng mga mata nito at matitigan ang mukha nitong may payak na ganda. The way she appeared to him, may pakiramdam siyang bagong salta lamang ito doon sa Manila. But although she looked naïve, she seemed to know what she's doing. And that fact, well, it was sure strange. Paano niyang napulsuhan ang lahat nang iyon tungkol dito sa unang pagkikita pa lamang? Wait, hindi naman siguro attraction ang nararamdaman niyang iyon para dito hindi ba? Naipilig niya ang kanyang ulo. No, It can't be! he thought. He long built a wall and isolated himself from the society to avoid such connections with other people. Kung kaya naman hindi niya hahayaang basta na lamang matibag ang pader na nilikha niya with just a sight of that stranger. He rather focus his mind sa nalalapit na school opening na siya naman talagang concern niya kung bakit siya lumuwas pabalik ng Manila after spending his summer vacation sa probinsya ng kanyang lolo at lola.

"Be still, Scott! I was certain na hindi mo na rin naman ulit makikita pa ang babaeng iyon. At isa pa, maraming bagay kang mas kailangang pagtuunan ng pansin. So, just forget about her okay?" he told himself bago abalahin ang isipan sa ibang bagay.

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon