29

292 7 0
                                    

PAULIT-ULIT na napapangiti si Lara sa tuwing maaalala ang pagtatanggol sa kanya ni Scott sa mga mean girls na iyon at ang confession nito sa kanya na gusto siya nito. The words he said to her was too touching na ang pakiramdam niya ay mas mahaba pa kay Rapunzel ang kanyang buhok. Parang mayamaya ring nawawala sa lugar niyon ang kanyang puso nang dahil sa halik na pinagsaluhan nila. It was her first kiss and she didn't expect it to be so sweet and sincere. Nakakakilig talaga. Nagbalik lamang sa tamang wisyo ang kanyang isip nang mapagtantong malapit na pala siya sa bababaan niya. Distracted pa rin siya nang isinigaw niya sa driver ng sinasakyang jeepney na bababa na siya. Pagkababang-pagkababa sa kanilang kanto ay naramdaman niyang nagvibrate ang kanyang cell phone. Dali-dali niya iyong dinukot sa bulsa ng suot na pants. Lumawak ang pagkakangiti niya nang ang pangalan ni Scott ang bumungad sa screen. Naalala pa niya kung paano nito kinuha kanina sa kanya ang kanyang number.

"Phone mo?" tanong nito sa kanya.

Nagtataka man ay inabot na lamang niya rito ang kanyang cell phone.Kinuha nito iyon sa kanya at pagkatapos ay inilabas rin nito ang sariling cell phone. Mayamaya ay nagsimula itong magtipa sa keypad nang cell phone niya at gayundin sa cell phone nito. Makalipas ang ilang sandali ay ibinalik na rin nito iyon sa kanya.

"Now we got each others number," nakangiting sabi nito sa kanya. She smiled back at him saka sinulyapan ang screen ng kanyang phone. Nag-init bigla ang magkabila niyang pisngi nang mabasa kung ano ang pangalang isinaved nito sa phonebook niya. It's "I'm yours". Nakakagat-labing napatingin siya rito.

He amusely stared back. "Sa iyo naman na talaga ako eh." mayamaya ay sabi nito sa kanya. Hinigit siya nito at niyakap. "Wala nang bawian ha?" bulong nito sa kanyang tenga. Mabuti na lamang at napigil niya ang sariling mapatili sa labis na kilig. Naiyukyok na lamang niya ang mukha sa may dibdib nito.

Shit na malagkit! Ang lakas lang talaga nitong magpakilig! Hindi niya akalain na may romantic side pala ito sa kabila ng snobbish attitude nito. Tuluyan nang nagbalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa. Binuksan niya ang message nito at binasa.

Hey, are you home? Nakauwi ka ba ng safe? Beep me back when you do.

Aww! That's sweet of him! Napangiti siya at minsan pang pinasadahan ng tingin ang message nito bago itago ang kanyang cell phone. Mamaya na niya ito rereplyan kapag nasa bahay na siya. Nagsimula na siyang maglakad papasok sa may kanto nila subalit nakakailang hakbang pa lamang siya ay natigilan na siya sa pamilyar na babaeng namataan niya sa bukana ng daraanan niya. Hindi siya maaaring magkamali. Mama iyon ni Scott! Kahit isang beses pa lamang niya itong nakikita ay tumatak na sa kanyang isipan ang bawat detalye ng mukha nito. Saglit rin itong natigilan nang makita siya bago pagkuwan ay mapangiti sa kanya.

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon